Dahil hindi naman kalayuan ang Bubble Mall ay narating agad ito ng mag bessy. Sakay sila ng kotse ni Fretzie kaya medyo natagalan sila sa paghahanap ng parking dahil sa dami ng tao na nagpupunta dito. Ayaw naman pumayag ni Fretz na mag-commute sila dahil mahirap daw sumakay lalo na kung gabi na sila uuwi.
"Ayon bessy may parking. At last makakapark na tayo." masiglang sabi nito ng may makitang paalis na kotse, pero agad din naman iyon napalitan ng inis ng may isang kotseng humarang sa kanila at balak pa silang unahan sa parking space. "Aba teka naghahanap ata ng away ang mga ito wa." galit na sabi nito.
"Uy bessy wag mo nalang patulan ang mga iyan, tara hanap nalang tayo ng ibang parking." nag-aalala siya dahil baka mapa-away pa sila ng wala sa oras. "Please bessy, tara na, ayon oh paalis nadin ang katabing kotse!" nakahinga siya ng maluwag ng may makitang parking. Wala sya sa mood na makipag away. Hindi naman kasi siya war freak. Sadyang palaban lang.
"hay nakapark din. Nako kainit init eh, pinapainit nila ang ulo ko!!" pagrereklamo nito matapos makapark. napangiti naman siya maganda talaga ang bessy niya kahit pa nga nakakunot noo ito.
"Oh ano tara na? Parang ayaw kong magpagabi eh." pag aaya niya rito.
Natawa naman ito, "Bessy di pa nga tayo nakakapasok ng Mall pag uwi na agad ang nasa isip mo. Tara na nga!" at inakay na siya nito "Bopbop! mag enjoy tayo wa!" ngumiti ito sa kanya!
"Bopbop! Oo sana nga!" nginitian din niya ito.
---- "brawhss ang sama mo! Nauna satin yun tapos inunahan mo pa sa parking. Ayan tuloy napala mo tinadtad ka ng busina" tawa ng tawa si LR ng maalala ang itsura ni Arron ng bumusina ang kotseng inunahan nila. Nagulat kasi ang brawhss niya at hindi nito inasahan na gagawin iyon.
"Ano ka ba brawhss, una-unahan lang naman yan. Eh sa mabagal sila mag park. Pupusta pa ko babaeang nagmamaneho nun oh!" sagot naman nito na naiinis.
"Halika na nga at baka hindi ko pa maabutan si Ultimate Crush ko!" hindi naman masyadong halatang atat na siyang makita ito.
"Nako LR kapag nakita ko talaga yang UC mo ipapakilala na kita! Para naman mabwasan yang katorpehan mo!" hindi niya mawari kung nagbibiro ito o iniinis lang talaga sya!
"Brawhss naman ih, Tara na nga!" sagot nalang niya. Ayaw niyang mapahiya sa kanyang Ultimate Crush. Sigurado kasi siya na kapag nakita niya to ay matatameme siya or worse baka manlambot ang tuhod niya at magtatakbo!
next chapter na plsss ..
TumugonBurahinmalapit na clng magkita , heheh :))
haha ou tama! :) galing! haha thanks sa pagbasa! :)
TumugonBurahin