Chapter 2:
"Wazzupp brawhss!!" masiglang bati ni Arron sa kanyang best friend na si Lemuel Romeo. Hindi siya pinansin nito at patuloy lang sa pag lalaptop. "Tamo tong taong to, hindi man lang ako pansinin. Hoy brawhss,, anu ba pinagkakaabalahan mo at hindi mo mapansin tong gwapo mong bestfriend ah?" pagrereklamo niya.
"brawhss bakit mo ginawa yun??" inis na saad ni LR matapos hablutin ni Arron sa kanya ang hawak na laptop.
"Salamat napansin mo din na nandito ko. Aba LR hindi mo na naman ako nakita wa, busy ka na naman. Ano ba kasi pinagkakaabalahan mo dito?" tuloy tuloy na sabi nito habang inuusisa ang kanyang laptop. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi nito at humarap sa kanya.
"ANO??" asar na talaga siya sa bigla biglang pagsulpot ng asungot niyang bestfriend.
"Sabi ko na nga ba siya na naman eh. Brawhss stalker na ang labas mo niyan. Yang gwapo mo na yan natotorpe sa beautiful lady na ito?" sabay harap ng laptop na nasa FB acc ng kanyang ultimate crush.
"Sige lang brawhss mang asar ka pa. eh sa hindi ko maamin eh, nahihiya ako. saka hindi ko naman siya LOVE, crush ko lang naman sya." depensa niya. Nahihiya na siya dito dahil nahuli na naman siya nitong tinitingnan ang FB account ng ultimate crush niya. Hindi niya talaga namalayan ang pagpasok nito dahil busy siya sa pagtingin sa mga bagong pictures ng dalaga. Idagdag pa na nagpapantasya siya kaya maging ang paglapit ni arron ay hindi niya napansin.
"Nagseselos na talaga ko niyan ah, kung n\hindi ko pa agawin ang laptop mo hindi mo pa ko papansinin." Nagbibirong saad ni Arron na sinabayan ng paghalagpak ng tawa.
Inis na inis si LR kaya naman tinitigan niya ito ng masama. Tumigil si Arron sa pagtawa at ngumiti ng malapad. "Oh easy, easy, kaya nga ako nagpunta dito dahil may nabalitaan ako tungkol sa kanya!" saad nito.
Nawala ang inis ni LR at napalitan ng excitement. Nakita iyon ni Arron at napangiti, Arron's mind: "Hala ka brawhss ihanda mo bulsa mo! bwahahaha"
"Ano nabalitaan mo? May lakad ba sya ngayon?Saan siya pupunta? Sino kasama niya? Anong gagawin nila? Anong kulay ng suot niya?" sunod-sunod ba tanong niya sa kaibigan. Pero ng makita niya ang ngiti ng kaibigan ay tumabingi naman ang kanya, "haynako brawhss, so ano kapalit??" kilala niya ang kaibigan. Pero hindi siya inaabuso nito dahil mayaman din naman ang pamilya nito. Kumbaga returning of favors lang. Kapag may balita ay inililibre naman niya ito.
"Okay may bagong bukas na bar katabi ng Bubble mall. sa Lingo?" nakangiting sagot nito na tinanguan lang niya.
"Oh e ito na nga ang bumubulang update, si ultimate crush ay kasama ang kanyang best friend na pupunta sa Bubble Mall para mag-hang out. At sa nabalitaan ko ay naka purple dress daw ito ngayon" siguradong sagot naman ni Arron.
Napangiti si LR. LR's mind: "Sino naman kayang babae ang naloko nito para makakuha ng update sa aking ultimate crush? pero salamat sa pagiging babaero mo brawhss, nasusundan ko si ultimate crush ko!nakakaltasan nga lang ako ng pera!"
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinnext chapter na plssss .. bagong SamVon ff , bagong aabangan .. excited sa next chapter :))
TumugonBurahinthanks guys! akala ko talaga walang magbabasa nito! pero dahil sa inyo ginanahan ako lalo magsulat! konting tiis lang haha mabagal kasi ako mag type! :)
TumugonBurahin