hello! :))

magustuhan nio nawa ang mga likhang isip na storya na isusulat ko! ENJOY :)))

Martes, Mayo 31, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 7:

Late na nakauwi si Fretz kagabi. hindi na niya inabala pa ang mahimbing na pagkakatulog ni lj. Alam niyang napagod ito ng sobra dahil sa pag iyak na dahil na naman sa James na yon. Wag na wag talaga itong magpapakita sa kanya dahil baka mapatay niya ito ng wala sa oras. Dahil din naman sa sobrang paglilibot sa mall ay pagod na din siya. Matutulog na siya at bukas nalang niya kakamustahin ang bessy niya. Pagkatapos magshower ay dumiretso na sa kanyang silid si Fretz at nagpahinga.

--Maaga nagising si Lj kinabukasan. Sinilip niya ang bessy niya kung nakauwi na ba ito. Magdamag kasi niya itong hinintay hanggang sa hilahin na nga siya ng antok at hindi padin ito dumating. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang mahimbing na natutulog ito. Nagpasya siyang magtuloy sa kusina at magluto ng pagkain nila. Alas sais palang naman ng umaga. Madalas siyang magluto dati, kadalasan si James ang ipinagluluto niya pero ngayon ay nangako na siyang tuluyan na itong kalimutan. Hindi niya alam pero ng magkatinginan sila ng lalaking nakabanga niya ay para bang may nagbulong sa kanya na kalimutan na ang nakaraan at huwag na niyang pajirapan pa ang kanyang sarili. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Nagluluto siya ng baked mac ito ang paborito ni Fretz.


"Bessy ikaw ba yan? Hmm ang bango naman!!" bati nito na nag uunat pa. Nagising marahil sa ingay sa kusina.

"Good morning bessy, pinagluto kita ng paborito mo oh!" hinarap niya ito at nginitian. Nagulat naman si Fretz na nagluto siya, dali dali nitong tiningnan ang niluto niya.

Fretz mind: "himala hindi naman mukang sunog ang niluto niya. hindi naman mukang hilaw, muka ding tama naman ang mga sahog, hmm malalaman natin sa lasa." tinikman niya ang niluto nitong baked mac. natigilan siya ng malasahan ito. tinitigan niya si LJ at bigla nalang niyang niyakap.

"o bessy bakit? hindi ba masarap? pasensya na naninibago lang kasi ako. ngayon nalang kasi ako ulit nagluto eh. pero mukang nagawa ko naman ata ng tama? so kamusta naman ang lasa?" kinakabahan siya. Matagal na kasi siyang hindi nakapagluto ng matino. Tuwing magluluto siya after ng nangyari sa kanila ni James ay sunog, mapait, hilaw, kulang sahog, walang lasa na ang mga luto niya. Sobra kasi talaga siyang na depressed siya pa naman ang may pinakamasarap na luto sa barkada nila.

"Bessy!!! nagbalik ka na ba talaga sa dati? bumalik na ang lasa ng luto mo! napakasarap na ulit! namiss kita!!!" naiiyak na ito sa sobrang tuwa!

"talaga? hmm sabihin nalang natin na may dumaang anghel at tinulungan akong mag move on!" ngiti niya dito at inaya na niya itong kumain bago lumamig ang kanyang niluto.


Habang kumukuha ito ng pagkain ay itinanong niya kung ano ang nangyari kahapon at hindi man lang siya sinundan nito. Naalala niya na iniwan niya ito kasama si Pat. "Teka nga pala bessy, iniwan ko kayo kahapon ah. So kamusta? back together na ba ulit ang drama niyo?" nanunuksong saad niya.

Umupo muna ito, may laman na ang plato. "hindi bessy, nagkwentuhan lang naman kami." sabi nito sabay subo, napansin niya na para bang nanamlay ito. "at malabo nadin kaming maging together. Ikakasal na siya!" saad nito at sumubo ng malaki. Iniiwasan nito na tingnan siya.

"Hey cheer up. naka move on ka na sa kanya diba? saka may ivan at bret ka pa! sino ba sa dalawa ang sasagutin mo ha? aba aba haba nga ng hair mo ih!" pilit niyang iniba ang usapan. Bumalik na din siya sa pagiging positibo.

"Mukang bumalik ka na nga sa dati wa. Oo naman tapos na kami ni pat. hmm papatulong nga ako sayo, hindi ko alam kung sino sasagutin ko sa dalawa ih!" nakangisi na ito. Masaya si Fretz sa pagbabalik ng dating LJ. Makulit na naman ito at positibo. Idagdag pa na makakakain na ulit siya ng masarap na luto nito.

"Ay ou nga pala bessy muntik ko na makalimutan, sabi ni Pat abay ka daw." sabi ni Fretz.

Napahinto siya sa pagkain. "Ako?? teka ikaw ang EX tapos ako abay ikaw hindi????" nagtataka siya.

"EX lang ako pero mas close kau nun. magkabuddy nga kayo sa boarding house dati dba." inirapan pa siya nito.

"E kelan ba ang kasal a? rehearsal?" tanong nalang niya.

"Binigay niya num niya ikaw nalang magtanong, sige akyat na muna ulit ako. inaantok pa ko eh" umiiwas sa Fretz na pag usapan iyon.

"teka hindi mo ba uubusin to? pinagluto kita wa. hahaha nagseselos ka ba?" pang iinis niya ito.

"HINDI PAGOD LANG AKO" paasik na sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"NAGSESELOS KA EH!!!!!!!! may isang ale ang nagseselos!" pahabol pa niya.

Narinig siya ni Fretz napangiti ito ng tabingi hindi nito alam kung matutuwa o maiinis sa pagbabalik ni LJ. Pero mas nangingibabaw ang tuwa dahil magsisimula na ito sa wakas ng bagong yugto ng buhay!












(sorry matagal bago naka update! hmm wait sa ibang chaps ah. muli na kayang magkita si LJ at LR dahil sa kasal na ito ni Pat na nagsisilbing common friend nilang dalawa.? sino sino pa ang dadating sa kwento? ABANAGN :P)

Miyerkules, Mayo 25, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 6:

     "Pare, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? Alas kwatro palang ng umaga ah. Aga mo ata? ano ba atin?" sinalubong siya ng bestfriend na si Enrique.

        "Di ako makatulog eh, hindi naman siguro masama na tumambay dito? Tutal namiss ko naman ang pagtambay kasama ang isa ko pang bestfriend na sobrang busy na these days at nakalimutan na kaming kamustahin ni Arron?" kunwaring pagtatampo naman niya.

          "Hindi ko alam na nag acting workshop ka na pala? Galing na umarte wa. Pang pamas!" binibiro naman siya nito.

          "Loko ka, kung hindi pa ko bumisita dito hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na pala. Kelan ka dumating? Hindi ka man lang nag pasabi odi sana nasundo ka namin ni Arron." kahapon lang kasi niya na nakauwi na ito galing States. Kaya nga nang hindi siya makatulog ay ito ang naisip niyang puntahan. Sigurado kasi siyang nambababae na naman si Arron at pagtatawanan lang din naman siya nito pag nalaman na hindi padin nawawala sa isip niya ang babaeng nakabungo kanina.

     "Last week lang pare. Balak ko sana kayong surpresahin kaso naunahan mo ko ng dalaw. So ano na nga ang balita? Aga aga ng dalaw mo. Alam mong hindi ako maniniwala kung sasabihin mong gusto mo lang akong dalawin pare." totoo ang sinabi nito. Hindi siya pupunta dito ng basta basta lang. Sa kanilang tatlo ito ang nalalapitan niya pag may seryoso siyang problema.

        "Kilala mo nga talaga ako" ngiti naman niya dito.

         "So ano na nga? teka lang ah, wag mong sabihin na si ultimate crush pa din iyan a?" wala naman silang sinisikretong tatlo. Kilalang kilala nila ang bawat isa. Simula ng magkakilala sila sa States ay hindi na sila napaghiwa hiwalay. Matalik na magkakaibigan din ang kanilang mga tatay kaya naman hindi nakakapagtaka na maging ganoon din sila. Mas una nga lang sila nagkakilala ni Arron dahil simula bata ay magkasama na sila. Si Enrique ay nakilala lang nila noong mga 10 taon na sila. Sinama ito ng tatay nito dahil namatay ang nanay at wala mag aalaga.

        "Hindi pare, kasi kanina may nakabunggo ako. tapos ayun hinahanap ko kasi si ultimate crush hindi ko napansin na makakasalubong ko siya." Kinwento niya dito ang buong pangyayari.

         "Nako pare mukang tinamaan ka na dito wa. Pero pare naman suntok sa buwan kung paano mo siya makikita ulit niyan eh. Ni hindi mo nga alam ang pangalan. Atleast naman si ultimate crush kilala natin. e itong PRINCESS JULIET mo hindi natin alam kung saan hahagilapin!" pang aasar pa nito sa kanya.

       "Alam mo pareng Kem akala ko talaga maiintindihan mo ko. Teka nga, hindi ako inlove no. Asa ka pa. At may pa PRINCESS JULIET ka pang nalalaman diyan. San mo naman napulot yan?" humalukipkip siya dito.

       Hindi na napigil ni Enrique ang paghalagpak ng tawa. Gustong gusto talaga niyang inaasar si LR. Sa kanila kasing tatlo ito ang pikon kaya naman past time na nila ni Arron ang pagkaisahan ito. Tumigil lang siya sa pagtawa ng tingnan na siya ng masama ni LR>

         "Ok easy pare!! kahit kelan talaga pikon ka. Eh kaya ko lang naman siya tinawag na PRINCESS JULIET dahil ikaw si ROMEO no!" pinandilatan pa siya ng mata ni Enrique.

          "ROMEO, ROMEO ka dyan. tigilan mo nga ako. ang hilig mo kasi manuod ng mga ganyan pati tuloy ako dinadamay mo pa sa kabaliwan mo." inis niyang sagot.

          "Lemuel ROMEO Concepcion! Tanong ko lang sino kaya sating dalawa ang baliw pare? Ako kasi alam ko pa buong pangalan ko. Ewan ko na lang sa iba diyan na nakakilala lang nga magandang binibini nakalimutan na ata pati sarili niyang pangalan." matawa-tawang sabat nito. Nakita ni Enrique na natigilan siya ng tawagan nito ang buo niyang pangalan at idiin pa ang ROMEO. Enrique's mind: "There is something about this girl para mawala sa sarili ng ganto itong si LR. Im going to find her! bwahaha"

         "Alam mo pare salamat at lalo mo pinagulo ang isip ko! alis na nga ako!" galit na paalis na siya ng humarang ito at iabot ang isang sulat.

          "Teka pare, pinabibigay ni Pat abay daw tayo sa kasal niya! geh, ingats sa pag uwi ah wag mo masyado isipin si PRINCESS JULIET mo!" pahabol na pang iinis pa nito pagkalabas niya ng bar.

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 5:


      "Brawhss are you ok? Anong nangyari? Akala ko ba susundan mo si ultimate crush??" bati sa kanya ni Arron ng makitang papalapit na siya sa kanauupuan nito. Nasa Jollibee ito at kumakain.

     "Ang mga mata niya,puno ng galit at sakit." wala sa loob na nasabi niya. Hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa pwesto nito.

     "Huh? mga mata, mga mata ka diyan.. nakita mo ba kako si ultimate crush mo?" Nagtatakang tanong naman ni Arron matapos marinig ang kanyang sinabi.

     "Ou brawhss hinabol ko nga, kaso may nangyari eh.. umupo siya sa bakanteng silya katapat nito.

    "Teka anong nangyari wa?" excited naman si Arron sa ikwento niya.

     "may nakabangga kasi akong babae. tapos ayon nawala sa paningin ko si ultimate crush." pagkwento niya dito.

     "Teka nga brawhss dahil lang dito sa babaeng nakabangga mo hindi mo na hinabol si ultimate crush? aba bago yan ah." bahiwagaan ito bigla.

      hindi din niya alam kung ano ang nangyari sakanya at kung bakit hindi na niya hinabol pa si ultimate crush matapos makabangga at matitigan ang mga mata ng babae. Karaniwan kasi tuwing may makakaenkwetro siya katulad nalang ng nangyari ay mag sosorry lang siya pagkatapos ay hahabulin na niya ulit si ultimate crush. Pero kanina pagkatapos nilang magkatinginan ng babae at magkatitigan, para bang may kung anong nagbulong sa kanya na sundan ito ng bila nalang itong tumakbo palabas ng mall. 

       "Grabe naman yun brawhss, kung sakit at galit ang nasa mata nun baka naman nakipaghiwalay sa bf? o kaya nalaman niya na niloloko pala siya, o baka naman nagselos lang bigla? hay nako mga babae talaga. Pero sabi mo nga maganda? Mahanap nga.

        "Ewan ko sayo Arron. Baka mamaya niyan ikaw pa pagbuntunan ng galit nun. halaka hindi kita tutulungan!" sabi niya na wala pa din sa sarili. LR's mind: "Sana nga nakipagbreak nalang sya sa bf niya. kung sino mang lalaki ang nagpaiyak sa kanya ang sama niya, kung ako yun hinding hindi ko siya papaiyakin."  Nagulat siya sa pumasok sa isip niya kaya naman nag aya na siya umuwi. "halika na brawhss uwi na tayo, pagod na siguro ko." yaya niya.

     "Eh teka sayang naman punta nati. pano si ultimate crush?" tanong nito.

      "Madami pang pagkakataon. ano sasabay ka ba? O iiwan na kita?" gusto na talaga niya magpahinga.

    "Eto na nga ih" sabay lapit nito. Arron's mind: "Hindi kaya tinamaan ang loko? ngayon lang niya sinawalang bahala si ultimate crush wa.?"

      Habang nasa sasakyan ay hindi siya tinigilan ni arron sa pangungulit. "So brawhss, describe her naman?"

      "alam mo magdrive ka nalang baka mabangga pa tayo niyan eh" naiinis na siya. pilit na nga niya inaalis ang itsura ng babae ay lalo naman pinapaalala  ng loko niyang bestfriend.

      "alam mo kung ayaw mo sa kanya baka pede akin nalang?" hindi padin ito naglulubay.

       "hindi naman siya maganda arron kaya wag mo nang pag interesan pa. gets mo? ngayon bilisan mo pagmamaneho at ng makauwi na ko." pagsisinungaling niya. LR's mind: "hindi pala maganda ah, pero hindi naman mawala wala diyan sa isip mo? eh ang ganda ganda nga ng labi niya ih, ang sarap halikan. tapos ang mga mata, ang ganda lalo kung mawawala yung galit at sakit. ang haba din ng pilik mata niya bagay na bagay sa kanya. tapos ang kutis niya, pilipina beauty talaga. aba papasa nga siya sa beauty contest eh.... tapos hindi maganda? Lokohin mo lelang mo LR!! DAMN< tumigil ka na nga!" nagtatalo na ang isip niya.

    "brawhss sige una na ko para makatulog ka na din. pagod ka diba? bye bro!" pagpapaalam ni arron ng makarating sila sa bahay niya.


     Pagdating sa bahay ay nag shower na siya at nahiga sa kama. Halos tatlong oras na siya nakahiga pero hindi padin siya makatulog. Hindi maalis sa isip niya ang itsura ng babaeng nakabunggo niya.. Napansin din niya na nilagyan nito ang mga mata ng manipis na make up para takpan ang pamamaga dahil sa labis na pag iyak. At hindi niya maipaliwanag kung bakit  parang gusto niyang patayin ang taong nagpaiyak dito.


 Lumipas pa nag dalawang oras bago siya magpasyang pumunta sa isa pa niyang bestfriend. Tatambay muna siya sa Bathtub Bar.

Huwebes, Mayo 19, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 4:


     Nalilibot na sa isang shoe store sina Fretz at LJ. Inuna nila ang sapatos dahil masakit daw ang paa ni Fretz sa high heels na suotnito. Siya naman ay walang balak bumili dahil komportable siya sa suot na purple flats. Ito ang paborito niya dahil bigay iyon ng kababata niya. Napagpasyahan niyang tumingin muna sa kabilang store habang namimili si Fretz ng makasalubong niya si Patrick, isang old friend.

    "Vonzkie?? Kamusta ka na oy? tagal din nating hindi nagkita wa. nga pala kasama mo ba si Fretz?" bati nito ng makilala sya.

     "Hi Pat! Ou kasama ko siya namimili siya ng sapatos. Tara puntahan natin." minabuti na niyang samahan ito dahil alam niyang hindi ito kakausapin ng kanyang bessy. Hindi kasi nito alam na may lihim na tampo si Fretz simula ng lumayo ito.Dati kasing lovers ang dalawa. "ahm bessy si Pat! nakasalubong ko siya kanina!" agaw pansin niya sa ginagawa nito.

     Huminto naman si Frtez sa ginagawang pagpili ng disenyo at ngumiti. "Hello Pat,  buhay ka pa pala!" hindi narinig ni Pat ang huli nitong sinabi pero dinig na dinig niya iyon kaya naman siniko niya ang kanyang bessy.

      Nginitian naman ito ni Pat at binalingan na sya. "So hows your love life LJ? Kamusta na kayo ni James? Ang huli kong balita na nag propose na siya. Oh kamusta naman ang married life?" wala din itong alam sa nangyari dahil nasa States ito ng mga panahong iyon.

     Hindi alam ni LJ kung paano ito sasagutin, namuo na naman ang luha sa kanyang mga mata kaya agad siyang tumakbo. Naguluhan naman si Patrick sa kinilos niya kaya naman tumingin ito kay Fretz na matalim naman ang mga tingin sa una. "Sorry wa, mahabang kwento. Saka ko na lang explain."hindi alam ni Fretz kung paano iyon lumabas sa bibig niya samantalang ang gusto niyang gawin ay tarayan ito. Fretz mind: "Aba ang lokong to kaya ko nga dinala dito si bessy para makalimot tapos ipapaalala pa ng damuho! nananadya talaga oh!"

     Tangkang susundan niya si LJ ng harangin siya ng saleslady "maam hindi pa po kasi bayad yan," paalala nito. Wala na syang nagawa kundi pabayaan muna ang kaibigan. Alam din naman niya na hindi siya nito kakausapin at hihingin lang na mapag isa muna.




     -Samantalang patuloy lang sa pagtakbo si LJ. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ayaw lang niya na makita ng bessy niya ang pag iyak niya. Nangako na kasi siya dito na kakalimutan na ang nakaraan at hindi na muling iiyak dahil kay James. Malalima ang kanyang iniisip habang tumatakbo kaya naman hindi niya napansin na may makakasalubong siya.

     Nagkabungo sila at muntik na syang matumba kung hindi siya nasalo ng mga bisig nito. "Miss ok ka lang ba?" sabi nito na hindi naman siya tinitingnan. Sa tantya niya ay may hinahanap ito kaya hindi man lang siya nagawang tingnan kahit pa nga tinanong nito kung ok lang sya.

     Hinawakan niya ito sa balikat para makatayo siya. Noon lang siya nito tiningnan. "Oo salamat, pasensya na!" paghingi niya ng paumanhin. Iyon lang ang nasabi niya ng magtama ang kanilang mga mata. Agad na siyang tumaayo at tumakbo palabas ng Bubble Mall.

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 3:


     Dahil hindi naman kalayuan ang Bubble Mall ay narating agad ito ng mag bessy. Sakay sila ng kotse ni Fretzie kaya medyo natagalan sila sa paghahanap ng parking dahil sa dami ng tao na nagpupunta dito. Ayaw naman pumayag ni Fretz na mag-commute sila dahil mahirap daw sumakay lalo na kung gabi na sila uuwi.

     "Ayon bessy may parking. At last makakapark na tayo." masiglang sabi nito ng may makitang paalis na kotse, pero agad din naman iyon napalitan ng  inis ng may isang kotseng humarang sa kanila at balak pa silang unahan sa parking space. "Aba teka naghahanap ata ng away ang mga ito wa." galit na sabi nito.

     "Uy bessy wag mo nalang patulan ang mga iyan, tara hanap nalang tayo ng ibang parking." nag-aalala siya dahil baka mapa-away pa sila ng wala sa oras. "Please bessy, tara na, ayon oh paalis nadin ang katabing kotse!" nakahinga siya ng maluwag  ng may makitang parking. Wala sya sa mood na makipag away. Hindi naman kasi siya war freak. Sadyang palaban lang.

     "hay nakapark din. Nako kainit init eh, pinapainit nila ang ulo ko!!" pagrereklamo nito matapos makapark. napangiti naman siya maganda talaga ang bessy niya kahit pa nga nakakunot noo ito.

     "Oh ano tara na? Parang ayaw kong magpagabi eh." pag aaya niya rito.

     Natawa naman ito, "Bessy di pa nga tayo nakakapasok ng Mall pag uwi na agad ang nasa isip mo. Tara na nga!" at inakay na siya nito "Bopbop! mag enjoy tayo wa!" ngumiti ito sa kanya!

     "Bopbop! Oo sana nga!" nginitian din niya ito.






---- "brawhss ang sama mo! Nauna satin yun tapos inunahan mo pa sa parking. Ayan tuloy napala mo tinadtad ka ng busina" tawa ng tawa si LR ng maalala ang itsura ni Arron ng bumusina ang kotseng inunahan nila. Nagulat kasi ang brawhss niya at hindi nito inasahan na gagawin iyon.

     "Ano ka ba brawhss, una-unahan lang naman yan. Eh sa mabagal sila mag park. Pupusta pa ko babaeang nagmamaneho nun oh!" sagot naman nito na naiinis.

     "Halika na nga at baka hindi ko pa maabutan si Ultimate Crush ko!" hindi naman masyadong halatang atat na siyang makita ito.

     "Nako LR kapag nakita ko talaga yang UC mo ipapakilala na kita! Para naman mabwasan yang katorpehan mo!" hindi niya mawari kung nagbibiro ito o iniinis lang talaga sya!

      "Brawhss naman ih, Tara na nga!" sagot nalang niya. Ayaw niyang mapahiya sa kanyang Ultimate Crush. Sigurado kasi siya na kapag nakita niya to ay matatameme siya or worse baka manlambot ang tuhod niya at magtatakbo!

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 2:

     "Wazzupp brawhss!!" masiglang bati ni Arron sa kanyang best friend na si Lemuel Romeo. Hindi siya pinansin nito at patuloy lang sa pag lalaptop. "Tamo tong taong to, hindi man lang ako pansinin. Hoy brawhss,, anu ba pinagkakaabalahan mo at hindi mo mapansin tong gwapo mong bestfriend ah?" pagrereklamo niya.

     "brawhss bakit mo ginawa yun??" inis na saad ni LR matapos hablutin ni Arron sa kanya ang hawak na laptop.

      "Salamat napansin mo din na nandito ko. Aba LR hindi mo na naman ako nakita wa, busy ka na naman. Ano ba kasi pinagkakaabalahan mo dito?" tuloy tuloy na sabi nito habang inuusisa ang kanyang laptop. Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi nito at humarap sa kanya.

      "ANO??" asar na talaga siya sa bigla biglang pagsulpot ng asungot niyang bestfriend.

      "Sabi ko na nga ba siya na naman eh. Brawhss stalker na ang labas mo niyan. Yang gwapo mo na yan natotorpe sa beautiful lady na ito?" sabay harap ng laptop na nasa FB acc ng kanyang ultimate crush.

     "Sige lang brawhss mang asar ka pa. eh sa hindi ko maamin eh, nahihiya ako. saka hindi ko naman siya LOVE, crush ko lang naman sya." depensa niya. Nahihiya na siya dito dahil nahuli na naman siya nitong tinitingnan ang FB account ng ultimate crush niya. Hindi niya talaga namalayan ang pagpasok nito dahil busy siya sa pagtingin sa mga bagong pictures ng dalaga. Idagdag pa na nagpapantasya siya kaya maging ang paglapit ni arron ay hindi niya napansin.

     "Nagseselos na talaga ko niyan ah, kung n\hindi ko pa agawin ang laptop mo hindi mo pa ko papansinin." Nagbibirong saad ni Arron na sinabayan ng paghalagpak ng tawa.

       Inis na inis si LR kaya naman tinitigan niya ito ng masama. Tumigil si Arron sa pagtawa at ngumiti ng malapad. "Oh easy, easy, kaya nga ako nagpunta dito dahil may nabalitaan ako tungkol sa kanya!" saad nito.

       Nawala ang inis ni LR at napalitan ng excitement. Nakita iyon ni Arron at napangiti, Arron's mind: "Hala ka brawhss ihanda mo bulsa mo! bwahahaha"

      "Ano nabalitaan mo? May lakad ba sya ngayon?Saan siya pupunta? Sino kasama niya? Anong gagawin nila? Anong kulay ng suot niya?" sunod-sunod ba tanong niya sa kaibigan. Pero ng makita niya ang ngiti ng kaibigan ay tumabingi naman ang kanya, "haynako brawhss, so ano kapalit??" kilala niya ang kaibigan. Pero hindi siya inaabuso nito dahil mayaman din naman ang pamilya nito. Kumbaga returning of favors lang. Kapag may balita ay inililibre naman niya ito.

      "Okay may bagong bukas na bar katabi ng Bubble mall. sa Lingo?" nakangiting sagot nito na tinanguan lang niya.

      "Oh e ito na nga ang bumubulang update, si ultimate crush ay kasama ang kanyang best friend na pupunta sa Bubble Mall para mag-hang out. At sa nabalitaan ko ay naka purple dress daw ito ngayon" siguradong sagot naman ni Arron.

     Napangiti si LR. LR's mind: "Sino naman kayang babae ang naloko nito para makakuha ng update sa aking ultimate crush? pero salamat sa pagiging babaero mo brawhss, nasusundan ko si ultimate crush ko!nakakaltasan nga lang ako ng pera!"

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 1:


   Iyak ng iyak si Lewel Juliet sa loob ng kanyang silid. Dati siyang masiyahin at palabiro. Walang bakas ng kalungkutan ang buhay niya noon. Pero ngayon ay naglaho na ang dalagang iyon at napalitan ng isang dalagang laging malungkot, nakatulala at parang laging nangangarap tulad nalang ngayon.

     "Siguro kung natuloy iyon ay masaya na kami ngayon, magkasama, may mga anak, nakatira sa isang magandang bahay." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

    "At siguro hanggang ngayon ay hindi pa natin alam ang katotohanan, hanggang ngayon PINAGMUMUKHA KA PA DIN NIYANG TANGA!" may diin ang mga salita ng bestfriend niyang si Fretzie na hindi niya namalayan ang pagpasok. "Bessy naman, dalawang taon na ang lumipas, kalimutan na natin . . . . . . . . . ." hindi nito natapos ang sasabihin dahil sumabat na siya.

   "Kalimutan na natin ang masalimuot na kabanata ng buhay natin?" tumutulo ang luha niyang saad. "Bessy alam mong sinubukan ko ang lahat, PINILIT KO! pero di ko magawa!" umiiyak padin niyang tugon, walang kapag-a-pag-asa ang pagkakasabi niya. Ngayon ay wala na din ang positibong LJ na kilala ng lahat.

    "Alam mo para matapos na yang kamumukmok mo diyan mag mall nalang tayo, libre ko. Magpaganda ka ulit., wag ka magkulong sa nakaraan. Dali magbihis ka na!" Pinasaya ni Fretzie ang kanyang boses, dahil aminin man niya o hindi ay apektado talaga siya sa nangyari sa kanyang bessy.

       Ilang sandali pa ay nakaayos na sila at handa na para mag mal. Ayaw man ni LJ wala siya nagawa sa pagpupumilit ni Fretz. Ito na din ang namili ng kanyang isusuot dahil alam nito na hindi siya kikilos. Isang simpleng purple blouse at jeans ang suot niya. Simula ng naghiwalay sila ni James ay hindi na sya nito pinagsuot uli ng blue dahil ito daw ang theme color nila.

     "Bopbop bessy!" nag AJA sign ito at nakipag high five. Iyon ang tatak ng kanilang sisterhood. Ginaya nalang niya ito at magkasabay na silang lumabas ng bahay. Isa pang buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago sila tumuloy sa Bubble Mall, ang patok na mall sa kanilang lugar.

Miyerkules, Mayo 18, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Teaser :

                 Masayang masaya si Lewel Juliet o mas kilala bilang LJ dahil nag propose na ang kanyang 3year boyfriend na si James. Sobra sobrang kaligayahan na napalitan ng hinagpis sa paglabas ng katotohanan. Simula noon nangako na si LJ na hindi na muli pang iibig. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

              Nakilala niya si Lemeul Romeo (LR) sa hindi inaasahang tagpo. Hinahanap niya ang kanyang ultimate crush ng makabungo niya si LJ. Dahil dito nawala sa paningin niya ang hinahabol. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman ng natitigan niya ang mga mata ng dalagang nasa kanyang mga bisig. nakita niya sa mata nito ang sakit at galit. Sa di malamang dahilan ay gusto niyang tangalin lahat ng iyon.

                        Maaari nga kaya na si LR na ang makakapag paalis ng sakit na iyon?  Pede nga kayang magmahal ulit si LJ at kalimutan ang nakaraan? Paano kung sa paghahanap ni LR sa kanyang ultimate crush ay matagpuan niya ang kanyang FIRST LOVE?