hello! :))

magustuhan nio nawa ang mga likhang isip na storya na isusulat ko! ENJOY :)))

Sabado, Disyembre 17, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 11:

     "Lemuel Romeo Concepcion! Hi dear buti naman dumating ka akala ko inisnab mo na ng tuluyan ang besbud mo.. So what's the cause of delay aber?" tila nagtatampong sabi ni Joric.
    "So sorry dear Joric, cause of delay?" nkataas ang isang kilay na saad nito, "well, ask her." sabay sulyap sa babaeng nakahawak sa kanyang braso.
      Tila namantanda sa pagkakatayo si Joric sa magandang dyosang kharap. "oh, hello Coleen. Nice to see you here." pilit ang ngiting saad nito.
       "Well do I need to explain myself?" mataray na saad nito bilang sagot sa naunang tanong ng Joric.
      "No, it's alright ang importante nandito na kayo. Tara na sa loob.. Ahm LR can you join the entourage. Para naman makabawi ka sa newlyweds. Absent ka kanina sa church." paalala nito.
      "Sure."
      "What? Paano naman ako LR? I don't want to be alone in these stupid ceremony." reklamo ni Coleen. Naiinis man si LR sa behavior ng nobya ay nagpaka-gentleman padin siya dito.
      "Ihahatid nalang kita sa table natin Coleen. Hindi naman magtatagal ang entourage. Besides may point naman si Joric babe. Absent na nga ako sa church kaya dapat naman na bumawi ako ngayon. Nakakahiya naman kay besbud. Come on ihahatid na kita sa table." hinila na nito ang babae bago pa man ito magprotesta.
       Nang makalayo na aang mgkapareha ay humarap sa kanya si Joric, "Buti ngaa sayo. Akala mo kasi kung sinong dyosa kung umasta pang bruha naman ang ugali!" inis na saad nito. Ngumiti ito sa kanya, "Oh Lj ayan na ang kapareha mo, may kasamang asungot."
        Natawa siya sa tinuran nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na makikita pa ang laalaking ito. "Hey iwan muna kita, may aayusin pa kasi ako." paalam sa kanya ni Joric at bumeso muna bago siya iniwan.


 ****** "Is there any problem miss?" hindi nakatiis na tanong ni LR sa babaeng titig na titig sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Ito lang naman ang babaeng hindi naalis sa pag ookupa ng kanyang isipan. Pero hindi na niya maaaring hayaan ang sariling mahulog pa dito dahil kagabe ay itinatak niya sa sarili na mahal niya si Coleen. Hindi niya inasahan na makikita pa pala niya ang babaeng sumusubok sa sinasabi niyang pagmamahal kuno. Sa mismong kasal pa ng kanyang besbud.
         "Why do a have this feeling na may nagawa akong kasalanan sayo?" hirit pa niya nang hindi man lang ito nagsalita at sa halip ay inirapan pa siya. Pinalis na din niya sa sarili ang pagtataka dahil sa pag-i-initiate niya ng conversation gayong wala sa naturalesa niya ang pagiging friendly. Suplado siya, iyon ang madalas na biro ng mga kaibigan sa kanya. "Miss?" untag niya  sa babae.
         "Buti naman alam mo na may nagawa kang kasalanan sa akin." mataray na sagot nito sa kanya.
        "I'm sorry? I have no idea of what you are talking about." clueless na sabi niya dito. Hindi talaga niya alam kung ano sinasabi nito. Sa pagkakatanda niya ay nag sorry naman siya nung nagkabunguan sila.
         "Inindyan mo ko kanina sa simbahan kaya ako naatapilok at muntik na masubsob. Hiyang hiya tuloy ako sa mga bisita ni Pat. At kasalanan mo lahat yon!"


  *******Hindi na napigilan ni LJ ang inis sa gwapong kaharap. Bukod sa inis siya dahil sa hindi nito pagsipot sa simbahan may mas kinaiinis pa siyaa dito. Naiinis siya dito dahil ilang gabe na ba siyang hindi pinapatulog nito. Daig pa nito ang nagrerenta sa isip niya ng walang bayad dahil sa pag-okupa nito doon ng halos magdamag. Kinakailangan pa niyang uminom ng isang basong gatas at magbasa ng pocketbooks makatulog lang at mawala lang ito sa isip niya. Kaya naman ginamit na niya ang nangyari kanina para ilabas ang kabuwisitan niya dito.
          "You tripped in church and that's my fault?" amusement can be seen in LR's face. Lalo tuloy siyang nainis dito.
          "Oo kasalanan mo, kung dumating ka lang sana at hindi mo ko inindyan odi sana may nakapitan ako." sinimangutan niya ito.
        Tumaas lng ng sulok ng labi ni LR pero wlang kataga ang lumabas doon.
        "Sana may kapareha ako sa paglakad sa alpobra hindi sana ako nakagawa ng eksena!" patuloy na litanya niya.
        "Alpobra?"
        "Absent ka sa simbahan tapos present ka sa reception, anu yon, libreng tsibog lang ang habol mo?"
       "Libreng tsibog?"
       "Ano ba nakakainis ka na talaga! Huwag mo nga ulitin mga sinasabi ko para kang sirang plaka!"
       "Oh I'm sorry, cant help it. I'm sorry kung hindi ako nakarating sa church at wala kang kapartner. Sinundo ko pa kasi yung girlfriend ko si Coleen. And it took her hours to prepare herself."
      Lalong hindi nanaipinta ang muka niya. "Kung ganon, sanaa hindi mo na lang siya pinatulog kagabi para naman magdamag siya nkapagprepare. Hindi kayo hihintayin ng pari para makaapagsimula."
           "Yeah I'm bad. I'm sorry". paghingi nito ng paumanhin pero hindi niya nakita ang sincerity. Magsasalita na sana ulit siya kaso dumating ang ASUNGOT na girlfriend nito.
         "Babe is there any problem here?"
          "Wala naman babe." tugon ni LR.
          Napatingin siya sa binata dahil sa ginawa nitong pagtatakip sa pang-aaway na ginwa niya rito.
            Tiningnan siya ng asungot mula ulo hanggang paa. Tinging nangmamaliit at tila nagsasabing wala man lang siyang panlaban sa kagandahan nito. Bumaling ito sa nobyo, "Para kasing naag-away kyo ng babaeng iyan from where I was sitting kaya pumunta ako dito." nilalaro nito ang bow-tie ni LR.
            Tumawa ang huli, "Bakit naman kami mag-aaway? Were just talking."
            "Talking about what?" nakataas ang kilay na saad nito.
            "About sa ceremony earlier. Nag-apologize ako dahil wala siyang kpartner."
           "It was not your fault. Why do you need to apologize to her?" maarteng saad nito.
           Oo wala siyang kasalanan, beacause its your fault. Arte mo kasi tinalbugan mo pa ang preparations ng bride sa sobrang tagal mo mag-ayos hindi naman naayos yang ugali mong matapobre! anang isip ni LJ.
           "It's the appropriate thing to do Coleen." sagot ng binata sabay sulyap sa kanya. Tila humuhingi ito ng pasensya sa inaasal ng nobya.
           "Nandito na ang bagong kasal. Please be ready for the presentation." anunsyo ni Joric.
            Magkakasabay silang lumingon ngunit agad ding ginagap ni Coleen ang muka ng nobyo at hinalikan ito sa labi, "Puntahan mo ko agad babe, wala akong makausap sa table." bilin nito.
          Tumango lang si LR, ni walang bakas ng pagkailang sa pakikipag-PDA sa nobya nitong saksakan ng kaartihan. Lalo lang siyang nabuwisit sa lalaki!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 10:


     "Goodmorning bessy!" masiglang bati sa kanyani fretz. Nakabihis na ito at iniintay na lang siya. Ngayon ang araw ng kasal ni Patrick. "hoy bakit nakabusangot ka dyan? ngumiti ka naman, para namang patay ang pupuntahan natin at hindi kasal niyan eh." hinatak siya nito patayo sa kama. Nagbibihis pa lang kasi siya ng mga oras na yon.

     "Eh panu naman kasi bessy bakit ganito pa ang kelangan suotin? (hinawakan pa nito ang suot na hapit na gown, maganda ang yari niyon ngunit hindi talaga siya sanay magsuot ng mga ganoon) Alam mo namang hindi ako sanay magsuot ng ganito." inis na saad niya.

      pinagtawanan naman siya ng kanyang bessy, "hala sige mag jeans ka sa kasal, malamang abay ka nuh, halika na kanina pa naghihintay si Ken sa simbahan. Lagot na naman tayo dun." sinuot na nito sa kanya ang heel shoes. "Hala tayo na dyan dalian mo na, sumunod ka na sa kotse ha."

      "Opo mauna ka na bessy, baka mainip yang prince charming mo sa labas. Susunod na ko!" Tumayo na siya at lumakad ng dahan dahan sanay naman siya ng naka heels pero dahil hindi nama talaga siya nagsusuot nun naninimbang padin siya.

      

      ****Ilang minuto pa at nakabyahe na sila patungo sa simbahan, naghihintay si Ken sa kanila, sinalubong sila nito.

     "Akala ko adadaigin nio pa ang bride sa pagiging late eh." bati nito habang bumebeso sa kanila. "Fretz pakilala mo naman ako sa magandang binibining kasama mo." sabi nito sa kanyang bessy, alam niyang iniinis lang siya nito dahil sa suot niya at dahil na rin hindi siya makangiti.

      "Hi Miss, Enrique nga pala, but you can call me....." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inundayan na niya ito ng kanyang SUPAH (Super Ultimate Ang Masasakit na Hampas). "aw aw, teka bok masakit na, tama na.. aray.. pinapatawa ka lang naman. pano naman kasi hindi ka man lang mangiti, hala ka magtatampo ang buddy pat mo pag nakita kang ganyan sa araw ng kasal niya." huminto naman siya at ngumiti.

     "Sorry, kayo kasi eh.. tsk panu naman kasi ako ngingiti mukang indyan sakin ang partner ko! mula sa rehearsals hindi man lang nagpakita ang mokong na yun.. buti pa si bessy may partner." himutok niya.

     "eh syempre hindi ako aabsent, takot ko lang kay Pat." wika ni Ken. "at talagang hindi ka pedeng umabsent kaya ako pumayag ay dahil sa ikaw ang partner ko nuh." dagdag naman ni Fretz.

      Naging isa itong abay dahil na rin sa nagkasakit ang isa sa abay at siya agad ang prinisinta niya, hindi na ito nakatutol dahil kinontrata na niya ang kanyang bok para maging kapareha nito. pero ngayon ay siya ang walang kapareha, kung alam lang niyang hindi siya sisiputin ng kapareha hindi na sana siya pumunta.

    "huy ngiti ka na bessy, baka naman late lang yung partner mo, dadating yun." pag aalo ni Fretz. "oo nga bok, knowing LR sisipot yun. hindi nun matitiis si Pat. takot din ang isang yun eh. ngiti ka na." dagdag naman ni Ken.

    "hayst ou na, :D oh ayan na. halika na at kinakawayan na tayo ni Ms. Joric." sabi niya ng makitang kumakaway ang magandang wedding planner. (tama ba? haha basta yung taga ayos)

    "tara bok ako muna ang partner mo para naman hindi ka ma lonely, dito ka sa kabilang braso ko. para naman may eescortan akong dalawang magagandang binibini." sabi ni Ken pagkatapos siyang hatakin.



       Nagsimula na ang march at hindi padin dumadating ang kanyang kapareha, kinausap niya kanina si Ms. Joric. "Haynaku iha wala pa si LR eh, pag nagkataon rumampa ka nalang alone, idaan mo sa prject, maganda ka naman hindi na nila mapapansin na wala ang partner mo. Smile ka na lang."

    Hindi siya normal nakakaramdam ng ganitong kaba, hindi niya alam kung san nangaling ang lahat ng iyon. sanay naman siya sa pagharap sa tao. Nagsimula ito nung iniwan siya ni James. Naalala niya bigla ang naudlot na kasal, katulad ng simbahang ito ay palalamutian din nila ang simbahang napili nila ng mga puting rosas, may mga tutugtog din, may aawit, napili na ang mga pagkain na ihahain sa reception. Ayos na ang lahat. Naiplano na nila ni James ang kanilang kinabukasan, kung hindi lang sana, kung hindi lang nangyari ang ....
          Napabalik siya sa kasalukuyan ng hawakan ni Ms. Joric ang siko niya at pasimpleng hilahin palakad. malayo na pala ang agwat niya sa nasa harapan niya. Hindi nya namalayan dahil na rin sa pag daday dream niya. "Dear ikaw na ang lalakad, wala ang partner mo, ngumiti ka lang!" bilin pa nito sa kaniya.


        Ngunit dahil sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang nakausling parte ng nilalakaran niyang carpet. Muntik na tuloy siyang masubsob mauti na lang at nakaantabay si Ms. Joric at nahawakan siya. Napatingin sa kanya ang mga tao. Hiyang hiya naman siya. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras dahil na rin sa nahihiling niyang matapos na ang kasalan at makapag disappearing act na lang siya.


      "Bok ok ka lang ba? ano ba naman kasi ang nangyari sayo kanina, buti nalang at alerto si Ms.Joric at nahawakan ka." alalang tanong ni Ken. Nasa reception na sila ngayon at iniintay ang newly weds.

     "Oo nga naman bessy, gumawa ka pa talaga ng award mo kanina, tsk tingin ko alam ko na ang dahilan!" puna naman ni Fretz, "mapapatay ko na talaga ang James na yan"- mahinang dugtong pa nito. alam nito na naalala na naman ni LJ ang kasalan nila dapat ni James.

     "Guys kalimutan nalang natin yun pede? arhg lagot talaga sakin yang damuhong partner ko!! kung nandun sana siya odi sana may nakapitan ako kanina, hindi sana ko natapilok!!" inis niyang saad.

     Napapatawa naman si Ken "Nako mukang walang kawala si Lr sayo bok ah, paktay tayo diyan."

     "Ladies, Gentlemen pumila na kayo at malapit na daw ang newly weds.. Ken pumila na kayo ni Fretz." baling nito sa dalawang kausap niya. "Oh dear ok ka lang ba? ano ba nangyari sayo buti nalang nahawkan kita kanina kung hindi mas malaking award ang nagawa mo!" baling naman nito sa kanya.

   "ahm sorry Ms.Joric ah, salamat na dn pala kanina." nginitian niya ito.

     "osya ang importante ok ka, huwag mo kong ngitian ng ganyang baka maging lalaki na talaga ko!" pagbibiro nito na ikinatawa naman niya.


     Nakatalikod siya nang may tumawag kay Joric na kaharap naman niya, nagulat siya nang bigla nalang mapatili ito at iniwan siya para salubungin ang dumating. Dahil sa kuryosidad ay tiningnan niya ang pupuntahan nito at laking gulat niya sa nakita. 

     Nananaginip na naman ba ko? Bakit nakikita ko na naman siya? Hindi ba talaga ko lulubayan ng lalaking to? Kinurot niya ang sarili para malaman kung nananaginip lang ba siya. Napa aray siya sa sakit. OH MY! Totoo nga, hindi to panaginip. Nandito nga siya. Totoong nasa harap ko ang lalaking hindi na nawala sa isipan ko. Simula noong araw na makita ko siya hindi na siya natangal pati sa panaginip ko! ANG LALAKING NAKABUNGGO KO!

Lunes, Hunyo 6, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 9: the revelation

  Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang binata na pumasok muna. Nasa may gate ang kanyang bessy at iniintay silang bumaba. Ito pa ang nagtanggal ng kanyang seatbelt. Sobrang gentleman nito buong magdamag at super naenjoy ni LJ ang date na iyon. bago bumaba ay nag usap pa sila.

"sira ka talaga! may pa purple admirer ka pa dyan. at kelan ka pa naging sweet? wala sa itsura mo we. halatang walang effort, bumabawi ka lang sa pang iiwan mo" pang iinis niya dito na sinabayan ng pagtawa. 

"iba ka talaga no? alam mo sa lahat ng pinaghanda ko ng ganito ikaw lang ang nagreklamo. aba nagmamakaawa pa sila para lang idate ko, sayo lang ako nag effort magrereklamo ka pa!" sagot naman nito.

"hala hindi ka rin naman mayabang anu? haha talaga naman kelam mo ba ko pinahalagahan?" kunwaring pagtatampo pa niya sa binata.

"aba aba hindi ka mahalaga? kaya naman pala nasuspend ako noon sa school dahil sa pagtatangol sayo? at muntik pa kong papakin ng bubuyog dahil sa kalokohan mo, tapos lagi pang ako ang pinapagalitan kasi inuubos mo lagi ang baon mong pagkain bago pa man mag lunch?" namula bigla ang muka niya, totoo ang sinabi nito. 

"alam mo ang sarap mo pading asarin? wag ka na magtampo bok! sige na? please?" alam ni lj na hindi siya matitiis nito dahil lagi siyang pinagbibigyan nito sa lahat ng bagay. Spoiled siya dito.

"kelan ba kita natiis? osige na nga pero kiss muna!" sabi nito at bigla siyang hinalikan sa pisngi.

Nagulat siya sa ginawa nito kaya agad niya itong nahampas. sinibangutan niya ito at hindi inimik.

"ang kyut talaga ng bok ko. kahit nakasibangot. ayie" kiniliti siya nito.

"yuk bok bakit mo ko hinalikan? may germs na tuloy ako. yuk yuk yuk!" pinunasan pa niya ang pisngi.

"ah ganun? may germs a?" hinarap siya nito at pinisil sa magkabilang pisngi.

Hinampas niya ito ng hinampas kasabay ang kapwa pagtawa. namiss niya ang taong ito, nagtampo siya dito noong umalis ito at sumama sa ama para pumunta sa ibang bansa. Hindi siya sanay na wala ito sa tabi, kaya naman lagi niyang pinagdadasal na sana bumalik na ito. Lalo na nung panahong nasaktan siya ng sobra ni James, kung nandoon ito siguradong hindi siya nito iiwanan. Ngayon ay hindi siya makapaniwalang kasama na ulit niya ito ngayon.  Mas makakalimutan na niya ang parteng iyon ng kanyang buhay kasama ang kanyang dalawang matalik na kaibigan si bessy at bok!

Nahinto sila sa pagtawa ng makarinig ng katok. Binuksan niya ang bintana ng kotse at agad na sumilip si Fretz. Nakita niya na nag ngitian ang dalawa,  wala man lang siyang nakita sa mukha ng kanyang bessy na pagkagulat kung sino ang ka date niya sa halip ay mukang expected na nito kung sino ang makikita. Naputol ang kanyang pag iisip ng magsalita si Fretz.

"Hi bessy! Hoy adik wala ka bang balak na ibaba ang bessy ko?" nahihiwagaan na talaga si LJ.

"huu panira ka ng moment adik.. by the way thanks ah" kinindatan pa nito ang bessy niya.

"teka nga muna ha. teka lang wa, bessy bakit parang expected mo na na siya ang maghahatid sakin? at bok bakit ka nag papasalamat? ano ba nagyayari dito?"

napangiti ang dalawa at sabay pang nagsalita, "sorry Lj magkasabwat kasi kami!" natatawang saad ng dalawa. 

"ah ganun! pinagkaisahan nio na naman ako? ha Fretzie Bercede at ENRIQUE GIL? lagi nio nalang akong pinagkakaisahan hindi padin kayo nagbabago! hmp" at pinaghahampas niya ang mga ito.

inaawat siya ni KEN at sinabing "ikaw din LJ wala ka pa din binagbago! wala pa din akong laban sa 'SUPAH' mo!!!" reklamo nito.

"teka 'SUPAH'?" nagtaka naman si Fretz

"oo 'SUPAH" Super Ultimate Ang Masasakit na Hampas!!"

Nagkatawanan silang tatlo at magkakasabay na pumasok sa bahay. Ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat. simula sa unang regalong natangap niya ay planado na nila fretz at ken. Kaya naman pala walang reklamo ang kanyang bessy na papuntahin siya ay dahil sa kilala nito kung sino ang kanyang "admirer".










           DUMAAN ANG MGA ARAW MATAPOS ang date nila ng kanyang ultimate crush. Pagkatapos ng halos isang buwan ng panliligaw ay sinagot na nito si LR. Pero naguguluhan si LR sa nararamdaman.

"bakit ganto? dapat ay masayang masaya ako. ano ba ang nangyayari sayo lr? sinagot ka na niya bakit parang may kulang padin? bakit hindi ka lubos na maligaya?" tanong niya sa sarili.

Dumating si Arron at nakita siyang may malalim na iniisip. Kung hindi pa nito iwinasiwas ang kamay ay hindi pa niya ito mapapansin.

"hey brawhss tulala ka na naman, and now i wont believe kung sasabihin mo na naman na hindi ka lang makapaniwala na kayo na. Look LR i know you well. Alam kong iba ang gumugulo sa isip mo. Now tell me what is it?" akala niya ay napaniwala na niya ito sa palusot niya pero kilala talaga siya nito.

"Arron bakit pakiramdam ko may kulang padin? masaya naman akong kasama siya pero ramdam ko na hindi ako maligaya. bakit lagi ko pa ding naiisip yung babaeng nakabungo ko? bakit hanggang panaginip ayaw niya kong lubayan?" nakita ni arron ang paghihirap niya.

"OMG brawhss hindi kaya hindi mo talaga mahal ang gf mo? baka naman naguluhan ka lang sa sobrang paghanga mo inakala mo na mahal mo na siya. kasi kung mahal mo talaga siya dapat siya lang ang laman ng puso at isip mo diba?" naguguluhang sagot ni Arron. Ang alam kasi ni Arron na ang LOVE pag dumating sayo ang isang tao na mahal mo wala ng iba pang makakapang gulo sa inyo. Wala ka nang hahanapin pa at makokontento ka sa kanya. Pero sa sitwasyon ni LR mukang hindi talaga nito mahal ang nobya.

"Shit! DAMN, mahal ko ang GF ko. mahal ko siya arron. mahal ko siya. mahal ko si COLEEN!" inulit ulit niya pa ito, hindi para ipagdiinan kay arron kungdi ipagdiinan sa sarili niya. ALAM niyang mahal niya si COLEEN, ito ang kanyang first and ULTIMATE CRUSH kaya sigurado siya mahal niya ito. LR's mind: "ALAM? diba dapat nararamdaman mo at hindi iniisip? baka naman tama si arron? damn LR. mahal mo si COLEEN ok?"

"okay brawhss mahal na kung mahal. pero payong kaibigan lang alamin mo totoong nararamdaman mo. yung sinasabi ng PUSO hindi ng isip!" tinapik siya nito sa balikat.

"im happy arron! salamat!" sagot niya

"oo nga pala sa lingo na ang kasal ni Pat at balita ko hindi ka daw na ka attend ng rehearsal? ngayon daw ang huling practice gusto mo pumunta?"

"masama kasi pakiramdam ko. nagsabi na ko sa kanya dont worry aatend naman ako sa wedding." paniniguro niya.

"oh well isama mo daw si Coleen para makilala ng barkada."

"yeah sure, tatawagan ko siya."







(hmm mas malinaw na po itong chap ngayon, ang magkadate po ay si LJ at KEN, LR at COLEEN. si Coleen po si ultimate crush habang si KEN naman si purple admirer. sana magustuhan niyo. nxt chap ay may magaganap na nakakakilig sa wedding ni pat. ABANGAN :) )

Huwebes, Hunyo 2, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

CHAPTER 8:

Nadelayed ang wedding ni Pat dahil hihintayin pa ang kanyang mom na nasa States kaya naman may isang buwan pa bago magsimula ang kanilang rehearsal. Sinamantala ito ni LR para mag pa impress sa kanyang Ultimate crush. Pinahanap niya kay Arron kung saan ito nakatira at sa unang linggo palang ay iba't ibang regalo na agad ang ibinigay niya dito. Pero hindi siya nagpapakilala, iniiwanan lang nila ang regalo sa tapat ng bahay nito, iintayin na makuha saka aalis mula sa pinagtataguan. Mala secret admirer, natatakot kasi siyang humarap dito. Kulang pa ang kanyang lakas ng loob. Pero ngayon ay nakaipon na siya ng sapat na tapang, napagdesisyonan niyang magpakilala na. Binabalot nila ni Arron ang ika- 10 regalo.

"Brawhss kelan ka ba talaga magpapakilala? aba pang sampung regalo mo na to ah. wala ka pa bang balak?" kamot ulong tanong nito.

"ano ka ba, ito na nga ang huli nu, magpapakilala na ko. sasamahan ko na to ng sulat. kaya nga ito ang pinakabongga sa lahat kas pagkatapos nito magbibigay na ko ng regalo sa kanya hindi na bilang secret admirer kundi bilang BF!" ngisi pa niya sa kaibigan.

"ang lakas din ng imahinasyon mo. haha joke alam ko namang sasagutin ka nun! gwapo ka na, mayaman, at tagapagmana pa." tatawa tawa si Arron. "pero wish ko hindi ka mabulol pag kaharap mo na siya!" pahabol pa nito.

"ay ewan ko sayo. tulungan mo na lang akong balutin to at ng madala na natin!" nagpatuloy na siya sa ginagawa.



SA KABILANG BANDA, nagkakatuwaan ang mag-bessy sa pinapanuod nilang movie. Nasa kalagitnaan na ng palabas ng may biglang kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ni LJ dahil mas malapit siya kesa kay Fretz. Wala siyang nakitang tao sa labas pero may nag iwan na naman ng isang regalo. Sinundan siya ni Fretz dahil matagal na siyang nakatayo ay hindi pa siya pumapasok sa loob. Nakita nito ang hawak niyang regalo.

"nako bessy wa, nakakailang regalo na ba ang natatangap mo ngayong lingo na to?" nanunuksong saad nito!

"sira ka talaga bessy! nagtataka na nga ako kung kanino nangagaling ang mga ito we!" nakatingin siya sa hawak na regalo. sa totoo lang ay kinikilig siya. Alam nilang dalawa na galing lang ito sa isang tao, yun lang ang sigurado nila.

"teka LJ, bakit parang special ata yan? ang bonga ng pagkakabalot oh! samantalang yung mga nakaraan naman hindi ganyan ang balot, simple lang?" nagtataka ang kanyang bessy. Noon lang niya napagtuunan ng pansin ang pagkakabalot nito. Totoo ngang maganda iyon.

"mabuti pa pumasok na tayo para mabuksan na natin tong regalo!" yaya niya dito.

Magkasabay pa nilang binuksan ang regalo. At sa sobrang gulat ay napatayo pa si lj ng makita ang nilalaman habang si fretz naman ay manghang mangha sa nakikita. Isa iyong napakagandang purple dress na may simpleng floral design at hapit sa katawan ang yari ng tela. Napakaganda! wala silang masabi, sa pag hanga ay kinuha iyon ni Fretz dahilan para mahulog ang isang kapirasong papel na hindi nila napansin kanina. Kinuha niya ito at binasa.

        "meet me at bathtub bar, 8pm. i'll be waiting for you. And wear the dress. :) purple admirer"

Kinikilig si Fretz ng basahin niya ang mensahe. "ay naloka na ako! bessy makikipagkita na ang admirer mo! shocks hindi halata na mahilig sa purple ah! pero infairness nakakakilig talaga!" siniko pa siya nito!

"pupunta ba ko bessy? nakakaloka naman ang pagka romantic niya. sino kaya siya?" kinikilig din siya. Triple sa kilig ng kanyang bessy!

"ay gaga, oo naman. para makilala mo na din kung sino yan!" sabi agad nito

"ah. eh.. pero--" hindi na niya natapos ang sasabihin!

"ano ka ba bessy? minsan lang yan, ikaw din ang magsisisi pag hindi ka nakipagkita! mamamatay ka lang kakaisip kung sino siya kung ano itsura niya!" sabat agad nito! "mabuti pa halika ako na mag aayos sayo! 6 na kaya! kung ayaw mong malate tara kilos na!" hinila na siya nito sa kwarto!

Inayusan siya ni Fretz. Nayakap niya ito ng makita ang itsura sa salamin. Hindi siya makapaniwala na siya ang nakikita. Higit na nagpaganda ang damit na kanyang suot. Parang ginawa talaaga para lang isuot sa kanya! Simple lang ang make up pero elegante at ang curl ng kanyang buhok ay bagay na bagay din. Ang tingin tuloy niya kay Fretz ay fairy godmother.

"luka maganda ka naman talaga, ayaw mo lang talaga mag ayos!" nagtawanan sila.



NAHIHILO na si Arron sa kakabalik balik ng kanyang kaibigan. Kanina pa ito nakaayos at pumunta sa place para tiyaking maayos ang lahat.

"brawhss easy lang nahihilo na ako sayo niyan eh. dadating yun! sinisigurado ko sayo, dadating siya! umupo ka ngaa! Gwapo mo!" pinapagaan nito ang nararamdaman niya!

"sana nga po! dumating ka!! please Lord!" pinagtawanan lang siya ni Arron. pati siya ay natatawa sa ikinikilos niya. Natotorpe siya ngayon dahil sa isang babae! Magandang babae!

"sige brawhss balitaan mo nalang ako! tapos na ang misyon ko dito! uwi muna ko! Good luck! wag kang matatameme ah!" tinapik pa siya nito sa balikat.




NARATING NA NI LJ ang bathtub bar. Halatang inayusan ang lugar. Napakaganda ng set up nito. May mga white petals pang nakakalat sa lapag at mga red petals na naka arrow, nagsisilbing guide kung saan siya dapat pumunta. Narating niya ang isang table na napakaganda ng pagkakaayos, wala ng red petals kaya nanatili nalang siyang nakatayo at naghintay ng magaganap. Nagulat siya ng biglang mawala ang ilaw at bumukas ang mga kandilang nasa lapag maging ang nasa lamesa. Manghang mangha siya sa nakita, ilang saglit pa tumugtog ang isang kanta.

Simple lang pala
kung pano ako liligaya
sa mundong ito
ika'y patatawanin
at papaligayahin
hanggang maiyak ka sa tuwa
kaya NGITI NGIT NGITI aking giliw........


Kasabay niyon ang paglabas ng isang taong naging parte na ng kanyang puso sa maikling panahon. At minsan nading sumakop sa kanyang isipan. Sa unang beses palang nilang nagkita ay napalagay na agad ang loob niya dito. Tumulo ang luha niya sa lubos na kaligayahan. Agad niya itong tinakbo at niyakap.



AKALA NI LR ay hindi na dadating ang kanyang ultimate crush. Akala niya masasayang lahat ng effort niya para sa date na iyon. Siguradong uulanin siya ng alaska mula kina Enrique at Arron pag nagkataon. Pero hindi siya nawalan nang pag asa na dadating ito. Ngayon ay nasa harapan niya ito at napakaganda. Hindi nasayang ang lahat. Masayang masaya siya. Ngayon ay oras na ng pagtatapat.

"Ang ganda mo! The dress fits you. take.. te..take a seat." nagkakandabulol siya sa kaba. LR's mind: "come on anu ba nangyayari sayo? umayos ka nga!! takte naman oh! DAMN!" sermon pa niya sa sarili.

"So Lemuel Romeo Concepcion, ikaw pala ang secret admirer ko?" nakangiting saad ng kaharap.

"hmm ako nga! buti dumating ka. kinakabahan nga ako baka di mo ko pansinin." pag ain niya.

"isang tagapagmana nakaka flatter naman na naghanda ka pa ng ganito!" bahagya itong tumawa, "well nagdadalawang isip talaga ako. hmm i think i should thank my bestfriend for encouraging me to come over here!" 

"mukang kelangan ko nga siyang pasalamatan ah." ngiti niya

"salamat sa effort wa, nagustuhan ko! at ang gwapo mo pala sa personal! sa mag lang kasi kita nakikita!"

"well hindi naman. ikaw ang ganda mo! :) oh tara kain na tayo?"

Madami pa silang napag usapan sa date na iyon. may mga bad points siyang nakita sa babae pero gusto pa niya itong makilala. pagkatapos kumain ay nagsayaw muna bago niya ito ihatid. Nag enjoy naman siya.



BAGO tuluyang ihatid ay niyakap ulit ni LJ ang lalaki! Bumulong siya dito. "Namiss kita! Loko ka buti bumalik ka na! akala ko iiwan mo na talaga ako! Namiss kita ng sobra............. "















(okay bago ang lahat kung nalito man po kayo pasensya bwahaha! Si lj at lr kaya ang magkadate? o dito na ba papasok ang mga bagong karakter na mas magpapaganda sa kwento? wag sana kayong magsawa sa pagbasa! :) LOVE LOVE)

Martes, Mayo 31, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 7:

Late na nakauwi si Fretz kagabi. hindi na niya inabala pa ang mahimbing na pagkakatulog ni lj. Alam niyang napagod ito ng sobra dahil sa pag iyak na dahil na naman sa James na yon. Wag na wag talaga itong magpapakita sa kanya dahil baka mapatay niya ito ng wala sa oras. Dahil din naman sa sobrang paglilibot sa mall ay pagod na din siya. Matutulog na siya at bukas nalang niya kakamustahin ang bessy niya. Pagkatapos magshower ay dumiretso na sa kanyang silid si Fretz at nagpahinga.

--Maaga nagising si Lj kinabukasan. Sinilip niya ang bessy niya kung nakauwi na ba ito. Magdamag kasi niya itong hinintay hanggang sa hilahin na nga siya ng antok at hindi padin ito dumating. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang mahimbing na natutulog ito. Nagpasya siyang magtuloy sa kusina at magluto ng pagkain nila. Alas sais palang naman ng umaga. Madalas siyang magluto dati, kadalasan si James ang ipinagluluto niya pero ngayon ay nangako na siyang tuluyan na itong kalimutan. Hindi niya alam pero ng magkatinginan sila ng lalaking nakabanga niya ay para bang may nagbulong sa kanya na kalimutan na ang nakaraan at huwag na niyang pajirapan pa ang kanyang sarili. Ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. Nagluluto siya ng baked mac ito ang paborito ni Fretz.


"Bessy ikaw ba yan? Hmm ang bango naman!!" bati nito na nag uunat pa. Nagising marahil sa ingay sa kusina.

"Good morning bessy, pinagluto kita ng paborito mo oh!" hinarap niya ito at nginitian. Nagulat naman si Fretz na nagluto siya, dali dali nitong tiningnan ang niluto niya.

Fretz mind: "himala hindi naman mukang sunog ang niluto niya. hindi naman mukang hilaw, muka ding tama naman ang mga sahog, hmm malalaman natin sa lasa." tinikman niya ang niluto nitong baked mac. natigilan siya ng malasahan ito. tinitigan niya si LJ at bigla nalang niyang niyakap.

"o bessy bakit? hindi ba masarap? pasensya na naninibago lang kasi ako. ngayon nalang kasi ako ulit nagluto eh. pero mukang nagawa ko naman ata ng tama? so kamusta naman ang lasa?" kinakabahan siya. Matagal na kasi siyang hindi nakapagluto ng matino. Tuwing magluluto siya after ng nangyari sa kanila ni James ay sunog, mapait, hilaw, kulang sahog, walang lasa na ang mga luto niya. Sobra kasi talaga siyang na depressed siya pa naman ang may pinakamasarap na luto sa barkada nila.

"Bessy!!! nagbalik ka na ba talaga sa dati? bumalik na ang lasa ng luto mo! napakasarap na ulit! namiss kita!!!" naiiyak na ito sa sobrang tuwa!

"talaga? hmm sabihin nalang natin na may dumaang anghel at tinulungan akong mag move on!" ngiti niya dito at inaya na niya itong kumain bago lumamig ang kanyang niluto.


Habang kumukuha ito ng pagkain ay itinanong niya kung ano ang nangyari kahapon at hindi man lang siya sinundan nito. Naalala niya na iniwan niya ito kasama si Pat. "Teka nga pala bessy, iniwan ko kayo kahapon ah. So kamusta? back together na ba ulit ang drama niyo?" nanunuksong saad niya.

Umupo muna ito, may laman na ang plato. "hindi bessy, nagkwentuhan lang naman kami." sabi nito sabay subo, napansin niya na para bang nanamlay ito. "at malabo nadin kaming maging together. Ikakasal na siya!" saad nito at sumubo ng malaki. Iniiwasan nito na tingnan siya.

"Hey cheer up. naka move on ka na sa kanya diba? saka may ivan at bret ka pa! sino ba sa dalawa ang sasagutin mo ha? aba aba haba nga ng hair mo ih!" pilit niyang iniba ang usapan. Bumalik na din siya sa pagiging positibo.

"Mukang bumalik ka na nga sa dati wa. Oo naman tapos na kami ni pat. hmm papatulong nga ako sayo, hindi ko alam kung sino sasagutin ko sa dalawa ih!" nakangisi na ito. Masaya si Fretz sa pagbabalik ng dating LJ. Makulit na naman ito at positibo. Idagdag pa na makakakain na ulit siya ng masarap na luto nito.

"Ay ou nga pala bessy muntik ko na makalimutan, sabi ni Pat abay ka daw." sabi ni Fretz.

Napahinto siya sa pagkain. "Ako?? teka ikaw ang EX tapos ako abay ikaw hindi????" nagtataka siya.

"EX lang ako pero mas close kau nun. magkabuddy nga kayo sa boarding house dati dba." inirapan pa siya nito.

"E kelan ba ang kasal a? rehearsal?" tanong nalang niya.

"Binigay niya num niya ikaw nalang magtanong, sige akyat na muna ulit ako. inaantok pa ko eh" umiiwas sa Fretz na pag usapan iyon.

"teka hindi mo ba uubusin to? pinagluto kita wa. hahaha nagseselos ka ba?" pang iinis niya ito.

"HINDI PAGOD LANG AKO" paasik na sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad.

"NAGSESELOS KA EH!!!!!!!! may isang ale ang nagseselos!" pahabol pa niya.

Narinig siya ni Fretz napangiti ito ng tabingi hindi nito alam kung matutuwa o maiinis sa pagbabalik ni LJ. Pero mas nangingibabaw ang tuwa dahil magsisimula na ito sa wakas ng bagong yugto ng buhay!












(sorry matagal bago naka update! hmm wait sa ibang chaps ah. muli na kayang magkita si LJ at LR dahil sa kasal na ito ni Pat na nagsisilbing common friend nilang dalawa.? sino sino pa ang dadating sa kwento? ABANAGN :P)

Miyerkules, Mayo 25, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 6:

     "Pare, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito? Alas kwatro palang ng umaga ah. Aga mo ata? ano ba atin?" sinalubong siya ng bestfriend na si Enrique.

        "Di ako makatulog eh, hindi naman siguro masama na tumambay dito? Tutal namiss ko naman ang pagtambay kasama ang isa ko pang bestfriend na sobrang busy na these days at nakalimutan na kaming kamustahin ni Arron?" kunwaring pagtatampo naman niya.

          "Hindi ko alam na nag acting workshop ka na pala? Galing na umarte wa. Pang pamas!" binibiro naman siya nito.

          "Loko ka, kung hindi pa ko bumisita dito hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na pala. Kelan ka dumating? Hindi ka man lang nag pasabi odi sana nasundo ka namin ni Arron." kahapon lang kasi niya na nakauwi na ito galing States. Kaya nga nang hindi siya makatulog ay ito ang naisip niyang puntahan. Sigurado kasi siyang nambababae na naman si Arron at pagtatawanan lang din naman siya nito pag nalaman na hindi padin nawawala sa isip niya ang babaeng nakabungo kanina.

     "Last week lang pare. Balak ko sana kayong surpresahin kaso naunahan mo ko ng dalaw. So ano na nga ang balita? Aga aga ng dalaw mo. Alam mong hindi ako maniniwala kung sasabihin mong gusto mo lang akong dalawin pare." totoo ang sinabi nito. Hindi siya pupunta dito ng basta basta lang. Sa kanilang tatlo ito ang nalalapitan niya pag may seryoso siyang problema.

        "Kilala mo nga talaga ako" ngiti naman niya dito.

         "So ano na nga? teka lang ah, wag mong sabihin na si ultimate crush pa din iyan a?" wala naman silang sinisikretong tatlo. Kilalang kilala nila ang bawat isa. Simula ng magkakilala sila sa States ay hindi na sila napaghiwa hiwalay. Matalik na magkakaibigan din ang kanilang mga tatay kaya naman hindi nakakapagtaka na maging ganoon din sila. Mas una nga lang sila nagkakilala ni Arron dahil simula bata ay magkasama na sila. Si Enrique ay nakilala lang nila noong mga 10 taon na sila. Sinama ito ng tatay nito dahil namatay ang nanay at wala mag aalaga.

        "Hindi pare, kasi kanina may nakabunggo ako. tapos ayun hinahanap ko kasi si ultimate crush hindi ko napansin na makakasalubong ko siya." Kinwento niya dito ang buong pangyayari.

         "Nako pare mukang tinamaan ka na dito wa. Pero pare naman suntok sa buwan kung paano mo siya makikita ulit niyan eh. Ni hindi mo nga alam ang pangalan. Atleast naman si ultimate crush kilala natin. e itong PRINCESS JULIET mo hindi natin alam kung saan hahagilapin!" pang aasar pa nito sa kanya.

       "Alam mo pareng Kem akala ko talaga maiintindihan mo ko. Teka nga, hindi ako inlove no. Asa ka pa. At may pa PRINCESS JULIET ka pang nalalaman diyan. San mo naman napulot yan?" humalukipkip siya dito.

       Hindi na napigil ni Enrique ang paghalagpak ng tawa. Gustong gusto talaga niyang inaasar si LR. Sa kanila kasing tatlo ito ang pikon kaya naman past time na nila ni Arron ang pagkaisahan ito. Tumigil lang siya sa pagtawa ng tingnan na siya ng masama ni LR>

         "Ok easy pare!! kahit kelan talaga pikon ka. Eh kaya ko lang naman siya tinawag na PRINCESS JULIET dahil ikaw si ROMEO no!" pinandilatan pa siya ng mata ni Enrique.

          "ROMEO, ROMEO ka dyan. tigilan mo nga ako. ang hilig mo kasi manuod ng mga ganyan pati tuloy ako dinadamay mo pa sa kabaliwan mo." inis niyang sagot.

          "Lemuel ROMEO Concepcion! Tanong ko lang sino kaya sating dalawa ang baliw pare? Ako kasi alam ko pa buong pangalan ko. Ewan ko na lang sa iba diyan na nakakilala lang nga magandang binibini nakalimutan na ata pati sarili niyang pangalan." matawa-tawang sabat nito. Nakita ni Enrique na natigilan siya ng tawagan nito ang buo niyang pangalan at idiin pa ang ROMEO. Enrique's mind: "There is something about this girl para mawala sa sarili ng ganto itong si LR. Im going to find her! bwahaha"

         "Alam mo pare salamat at lalo mo pinagulo ang isip ko! alis na nga ako!" galit na paalis na siya ng humarang ito at iabot ang isang sulat.

          "Teka pare, pinabibigay ni Pat abay daw tayo sa kasal niya! geh, ingats sa pag uwi ah wag mo masyado isipin si PRINCESS JULIET mo!" pahabol na pang iinis pa nito pagkalabas niya ng bar.

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 5:


      "Brawhss are you ok? Anong nangyari? Akala ko ba susundan mo si ultimate crush??" bati sa kanya ni Arron ng makitang papalapit na siya sa kanauupuan nito. Nasa Jollibee ito at kumakain.

     "Ang mga mata niya,puno ng galit at sakit." wala sa loob na nasabi niya. Hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa pwesto nito.

     "Huh? mga mata, mga mata ka diyan.. nakita mo ba kako si ultimate crush mo?" Nagtatakang tanong naman ni Arron matapos marinig ang kanyang sinabi.

     "Ou brawhss hinabol ko nga, kaso may nangyari eh.. umupo siya sa bakanteng silya katapat nito.

    "Teka anong nangyari wa?" excited naman si Arron sa ikwento niya.

     "may nakabangga kasi akong babae. tapos ayon nawala sa paningin ko si ultimate crush." pagkwento niya dito.

     "Teka nga brawhss dahil lang dito sa babaeng nakabangga mo hindi mo na hinabol si ultimate crush? aba bago yan ah." bahiwagaan ito bigla.

      hindi din niya alam kung ano ang nangyari sakanya at kung bakit hindi na niya hinabol pa si ultimate crush matapos makabangga at matitigan ang mga mata ng babae. Karaniwan kasi tuwing may makakaenkwetro siya katulad nalang ng nangyari ay mag sosorry lang siya pagkatapos ay hahabulin na niya ulit si ultimate crush. Pero kanina pagkatapos nilang magkatinginan ng babae at magkatitigan, para bang may kung anong nagbulong sa kanya na sundan ito ng bila nalang itong tumakbo palabas ng mall. 

       "Grabe naman yun brawhss, kung sakit at galit ang nasa mata nun baka naman nakipaghiwalay sa bf? o kaya nalaman niya na niloloko pala siya, o baka naman nagselos lang bigla? hay nako mga babae talaga. Pero sabi mo nga maganda? Mahanap nga.

        "Ewan ko sayo Arron. Baka mamaya niyan ikaw pa pagbuntunan ng galit nun. halaka hindi kita tutulungan!" sabi niya na wala pa din sa sarili. LR's mind: "Sana nga nakipagbreak nalang sya sa bf niya. kung sino mang lalaki ang nagpaiyak sa kanya ang sama niya, kung ako yun hinding hindi ko siya papaiyakin."  Nagulat siya sa pumasok sa isip niya kaya naman nag aya na siya umuwi. "halika na brawhss uwi na tayo, pagod na siguro ko." yaya niya.

     "Eh teka sayang naman punta nati. pano si ultimate crush?" tanong nito.

      "Madami pang pagkakataon. ano sasabay ka ba? O iiwan na kita?" gusto na talaga niya magpahinga.

    "Eto na nga ih" sabay lapit nito. Arron's mind: "Hindi kaya tinamaan ang loko? ngayon lang niya sinawalang bahala si ultimate crush wa.?"

      Habang nasa sasakyan ay hindi siya tinigilan ni arron sa pangungulit. "So brawhss, describe her naman?"

      "alam mo magdrive ka nalang baka mabangga pa tayo niyan eh" naiinis na siya. pilit na nga niya inaalis ang itsura ng babae ay lalo naman pinapaalala  ng loko niyang bestfriend.

      "alam mo kung ayaw mo sa kanya baka pede akin nalang?" hindi padin ito naglulubay.

       "hindi naman siya maganda arron kaya wag mo nang pag interesan pa. gets mo? ngayon bilisan mo pagmamaneho at ng makauwi na ko." pagsisinungaling niya. LR's mind: "hindi pala maganda ah, pero hindi naman mawala wala diyan sa isip mo? eh ang ganda ganda nga ng labi niya ih, ang sarap halikan. tapos ang mga mata, ang ganda lalo kung mawawala yung galit at sakit. ang haba din ng pilik mata niya bagay na bagay sa kanya. tapos ang kutis niya, pilipina beauty talaga. aba papasa nga siya sa beauty contest eh.... tapos hindi maganda? Lokohin mo lelang mo LR!! DAMN< tumigil ka na nga!" nagtatalo na ang isip niya.

    "brawhss sige una na ko para makatulog ka na din. pagod ka diba? bye bro!" pagpapaalam ni arron ng makarating sila sa bahay niya.


     Pagdating sa bahay ay nag shower na siya at nahiga sa kama. Halos tatlong oras na siya nakahiga pero hindi padin siya makatulog. Hindi maalis sa isip niya ang itsura ng babaeng nakabunggo niya.. Napansin din niya na nilagyan nito ang mga mata ng manipis na make up para takpan ang pamamaga dahil sa labis na pag iyak. At hindi niya maipaliwanag kung bakit  parang gusto niyang patayin ang taong nagpaiyak dito.


 Lumipas pa nag dalawang oras bago siya magpasyang pumunta sa isa pa niyang bestfriend. Tatambay muna siya sa Bathtub Bar.