hello! :))

magustuhan nio nawa ang mga likhang isip na storya na isusulat ko! ENJOY :)))

Sabado, Disyembre 17, 2011

Hinahanap ko si Ultimate Crush, Natagpuan ko si First Love! :)

Chapter 11:

     "Lemuel Romeo Concepcion! Hi dear buti naman dumating ka akala ko inisnab mo na ng tuluyan ang besbud mo.. So what's the cause of delay aber?" tila nagtatampong sabi ni Joric.
    "So sorry dear Joric, cause of delay?" nkataas ang isang kilay na saad nito, "well, ask her." sabay sulyap sa babaeng nakahawak sa kanyang braso.
      Tila namantanda sa pagkakatayo si Joric sa magandang dyosang kharap. "oh, hello Coleen. Nice to see you here." pilit ang ngiting saad nito.
       "Well do I need to explain myself?" mataray na saad nito bilang sagot sa naunang tanong ng Joric.
      "No, it's alright ang importante nandito na kayo. Tara na sa loob.. Ahm LR can you join the entourage. Para naman makabawi ka sa newlyweds. Absent ka kanina sa church." paalala nito.
      "Sure."
      "What? Paano naman ako LR? I don't want to be alone in these stupid ceremony." reklamo ni Coleen. Naiinis man si LR sa behavior ng nobya ay nagpaka-gentleman padin siya dito.
      "Ihahatid nalang kita sa table natin Coleen. Hindi naman magtatagal ang entourage. Besides may point naman si Joric babe. Absent na nga ako sa church kaya dapat naman na bumawi ako ngayon. Nakakahiya naman kay besbud. Come on ihahatid na kita sa table." hinila na nito ang babae bago pa man ito magprotesta.
       Nang makalayo na aang mgkapareha ay humarap sa kanya si Joric, "Buti ngaa sayo. Akala mo kasi kung sinong dyosa kung umasta pang bruha naman ang ugali!" inis na saad nito. Ngumiti ito sa kanya, "Oh Lj ayan na ang kapareha mo, may kasamang asungot."
        Natawa siya sa tinuran nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na makikita pa ang laalaking ito. "Hey iwan muna kita, may aayusin pa kasi ako." paalam sa kanya ni Joric at bumeso muna bago siya iniwan.


 ****** "Is there any problem miss?" hindi nakatiis na tanong ni LR sa babaeng titig na titig sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali. Ito lang naman ang babaeng hindi naalis sa pag ookupa ng kanyang isipan. Pero hindi na niya maaaring hayaan ang sariling mahulog pa dito dahil kagabe ay itinatak niya sa sarili na mahal niya si Coleen. Hindi niya inasahan na makikita pa pala niya ang babaeng sumusubok sa sinasabi niyang pagmamahal kuno. Sa mismong kasal pa ng kanyang besbud.
         "Why do a have this feeling na may nagawa akong kasalanan sayo?" hirit pa niya nang hindi man lang ito nagsalita at sa halip ay inirapan pa siya. Pinalis na din niya sa sarili ang pagtataka dahil sa pag-i-initiate niya ng conversation gayong wala sa naturalesa niya ang pagiging friendly. Suplado siya, iyon ang madalas na biro ng mga kaibigan sa kanya. "Miss?" untag niya  sa babae.
         "Buti naman alam mo na may nagawa kang kasalanan sa akin." mataray na sagot nito sa kanya.
        "I'm sorry? I have no idea of what you are talking about." clueless na sabi niya dito. Hindi talaga niya alam kung ano sinasabi nito. Sa pagkakatanda niya ay nag sorry naman siya nung nagkabunguan sila.
         "Inindyan mo ko kanina sa simbahan kaya ako naatapilok at muntik na masubsob. Hiyang hiya tuloy ako sa mga bisita ni Pat. At kasalanan mo lahat yon!"


  *******Hindi na napigilan ni LJ ang inis sa gwapong kaharap. Bukod sa inis siya dahil sa hindi nito pagsipot sa simbahan may mas kinaiinis pa siyaa dito. Naiinis siya dito dahil ilang gabe na ba siyang hindi pinapatulog nito. Daig pa nito ang nagrerenta sa isip niya ng walang bayad dahil sa pag-okupa nito doon ng halos magdamag. Kinakailangan pa niyang uminom ng isang basong gatas at magbasa ng pocketbooks makatulog lang at mawala lang ito sa isip niya. Kaya naman ginamit na niya ang nangyari kanina para ilabas ang kabuwisitan niya dito.
          "You tripped in church and that's my fault?" amusement can be seen in LR's face. Lalo tuloy siyang nainis dito.
          "Oo kasalanan mo, kung dumating ka lang sana at hindi mo ko inindyan odi sana may nakapitan ako." sinimangutan niya ito.
        Tumaas lng ng sulok ng labi ni LR pero wlang kataga ang lumabas doon.
        "Sana may kapareha ako sa paglakad sa alpobra hindi sana ako nakagawa ng eksena!" patuloy na litanya niya.
        "Alpobra?"
        "Absent ka sa simbahan tapos present ka sa reception, anu yon, libreng tsibog lang ang habol mo?"
       "Libreng tsibog?"
       "Ano ba nakakainis ka na talaga! Huwag mo nga ulitin mga sinasabi ko para kang sirang plaka!"
       "Oh I'm sorry, cant help it. I'm sorry kung hindi ako nakarating sa church at wala kang kapartner. Sinundo ko pa kasi yung girlfriend ko si Coleen. And it took her hours to prepare herself."
      Lalong hindi nanaipinta ang muka niya. "Kung ganon, sanaa hindi mo na lang siya pinatulog kagabi para naman magdamag siya nkapagprepare. Hindi kayo hihintayin ng pari para makaapagsimula."
           "Yeah I'm bad. I'm sorry". paghingi nito ng paumanhin pero hindi niya nakita ang sincerity. Magsasalita na sana ulit siya kaso dumating ang ASUNGOT na girlfriend nito.
         "Babe is there any problem here?"
          "Wala naman babe." tugon ni LR.
          Napatingin siya sa binata dahil sa ginawa nitong pagtatakip sa pang-aaway na ginwa niya rito.
            Tiningnan siya ng asungot mula ulo hanggang paa. Tinging nangmamaliit at tila nagsasabing wala man lang siyang panlaban sa kagandahan nito. Bumaling ito sa nobyo, "Para kasing naag-away kyo ng babaeng iyan from where I was sitting kaya pumunta ako dito." nilalaro nito ang bow-tie ni LR.
            Tumawa ang huli, "Bakit naman kami mag-aaway? Were just talking."
            "Talking about what?" nakataas ang kilay na saad nito.
            "About sa ceremony earlier. Nag-apologize ako dahil wala siyang kpartner."
           "It was not your fault. Why do you need to apologize to her?" maarteng saad nito.
           Oo wala siyang kasalanan, beacause its your fault. Arte mo kasi tinalbugan mo pa ang preparations ng bride sa sobrang tagal mo mag-ayos hindi naman naayos yang ugali mong matapobre! anang isip ni LJ.
           "It's the appropriate thing to do Coleen." sagot ng binata sabay sulyap sa kanya. Tila humuhingi ito ng pasensya sa inaasal ng nobya.
           "Nandito na ang bagong kasal. Please be ready for the presentation." anunsyo ni Joric.
            Magkakasabay silang lumingon ngunit agad ding ginagap ni Coleen ang muka ng nobyo at hinalikan ito sa labi, "Puntahan mo ko agad babe, wala akong makausap sa table." bilin nito.
          Tumango lang si LR, ni walang bakas ng pagkailang sa pakikipag-PDA sa nobya nitong saksakan ng kaartihan. Lalo lang siyang nabuwisit sa lalaki!