"Goodmorning bessy!" masiglang bati sa kanyani fretz. Nakabihis na ito at iniintay na lang siya. Ngayon ang araw ng kasal ni Patrick. "hoy bakit nakabusangot ka dyan? ngumiti ka naman, para namang patay ang pupuntahan natin at hindi kasal niyan eh." hinatak siya nito patayo sa kama. Nagbibihis pa lang kasi siya ng mga oras na yon.
"Eh panu naman kasi bessy bakit ganito pa ang kelangan suotin? (hinawakan pa nito ang suot na hapit na gown, maganda ang yari niyon ngunit hindi talaga siya sanay magsuot ng mga ganoon) Alam mo namang hindi ako sanay magsuot ng ganito." inis na saad niya.
pinagtawanan naman siya ng kanyang bessy, "hala sige mag jeans ka sa kasal, malamang abay ka nuh, halika na kanina pa naghihintay si Ken sa simbahan. Lagot na naman tayo dun." sinuot na nito sa kanya ang heel shoes. "Hala tayo na dyan dalian mo na, sumunod ka na sa kotse ha."
"Opo mauna ka na bessy, baka mainip yang prince charming mo sa labas. Susunod na ko!" Tumayo na siya at lumakad ng dahan dahan sanay naman siya ng naka heels pero dahil hindi nama talaga siya nagsusuot nun naninimbang padin siya.
****Ilang minuto pa at nakabyahe na sila patungo sa simbahan, naghihintay si Ken sa kanila, sinalubong sila nito.
"Akala ko adadaigin nio pa ang bride sa pagiging late eh." bati nito habang bumebeso sa kanila. "Fretz pakilala mo naman ako sa magandang binibining kasama mo." sabi nito sa kanyang bessy, alam niyang iniinis lang siya nito dahil sa suot niya at dahil na rin hindi siya makangiti.
"Hi Miss, Enrique nga pala, but you can call me....." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inundayan na niya ito ng kanyang SUPAH (Super Ultimate Ang Masasakit na Hampas). "aw aw, teka bok masakit na, tama na.. aray.. pinapatawa ka lang naman. pano naman kasi hindi ka man lang mangiti, hala ka magtatampo ang buddy pat mo pag nakita kang ganyan sa araw ng kasal niya." huminto naman siya at ngumiti.
"Sorry, kayo kasi eh.. tsk panu naman kasi ako ngingiti mukang indyan sakin ang partner ko! mula sa rehearsals hindi man lang nagpakita ang mokong na yun.. buti pa si bessy may partner." himutok niya.
"eh syempre hindi ako aabsent, takot ko lang kay Pat." wika ni Ken. "at talagang hindi ka pedeng umabsent kaya ako pumayag ay dahil sa ikaw ang partner ko nuh." dagdag naman ni Fretz.
Naging isa itong abay dahil na rin sa nagkasakit ang isa sa abay at siya agad ang prinisinta niya, hindi na ito nakatutol dahil kinontrata na niya ang kanyang bok para maging kapareha nito. pero ngayon ay siya ang walang kapareha, kung alam lang niyang hindi siya sisiputin ng kapareha hindi na sana siya pumunta.
"huy ngiti ka na bessy, baka naman late lang yung partner mo, dadating yun." pag aalo ni Fretz. "oo nga bok, knowing LR sisipot yun. hindi nun matitiis si Pat. takot din ang isang yun eh. ngiti ka na." dagdag naman ni Ken.
"hayst ou na, :D oh ayan na. halika na at kinakawayan na tayo ni Ms. Joric." sabi niya ng makitang kumakaway ang magandang wedding planner. (tama ba? haha basta yung taga ayos)
"tara bok ako muna ang partner mo para naman hindi ka ma lonely, dito ka sa kabilang braso ko. para naman may eescortan akong dalawang magagandang binibini." sabi ni Ken pagkatapos siyang hatakin.
Nagsimula na ang march at hindi padin dumadating ang kanyang kapareha, kinausap niya kanina si Ms. Joric. "Haynaku iha wala pa si LR eh, pag nagkataon rumampa ka nalang alone, idaan mo sa prject, maganda ka naman hindi na nila mapapansin na wala ang partner mo. Smile ka na lang."
Hindi siya normal nakakaramdam ng ganitong kaba, hindi niya alam kung san nangaling ang lahat ng iyon. sanay naman siya sa pagharap sa tao. Nagsimula ito nung iniwan siya ni James. Naalala niya bigla ang naudlot na kasal, katulad ng simbahang ito ay palalamutian din nila ang simbahang napili nila ng mga puting rosas, may mga tutugtog din, may aawit, napili na ang mga pagkain na ihahain sa reception. Ayos na ang lahat. Naiplano na nila ni James ang kanilang kinabukasan, kung hindi lang sana, kung hindi lang nangyari ang ....
Napabalik siya sa kasalukuyan ng hawakan ni Ms. Joric ang siko niya at pasimpleng hilahin palakad. malayo na pala ang agwat niya sa nasa harapan niya. Hindi nya namalayan dahil na rin sa pag daday dream niya. "Dear ikaw na ang lalakad, wala ang partner mo, ngumiti ka lang!" bilin pa nito sa kaniya.
Ngunit dahil sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang nakausling parte ng nilalakaran niyang carpet. Muntik na tuloy siyang masubsob mauti na lang at nakaantabay si Ms. Joric at nahawakan siya. Napatingin sa kanya ang mga tao. Hiyang hiya naman siya. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras dahil na rin sa nahihiling niyang matapos na ang kasalan at makapag disappearing act na lang siya.
"Bok ok ka lang ba? ano ba naman kasi ang nangyari sayo kanina, buti nalang at alerto si Ms.Joric at nahawakan ka." alalang tanong ni Ken. Nasa reception na sila ngayon at iniintay ang newly weds.
"Oo nga naman bessy, gumawa ka pa talaga ng award mo kanina, tsk tingin ko alam ko na ang dahilan!" puna naman ni Fretz, "mapapatay ko na talaga ang James na yan"- mahinang dugtong pa nito. alam nito na naalala na naman ni LJ ang kasalan nila dapat ni James.
"Guys kalimutan nalang natin yun pede? arhg lagot talaga sakin yang damuhong partner ko!! kung nandun sana siya odi sana may nakapitan ako kanina, hindi sana ko natapilok!!" inis niyang saad.
Napapatawa naman si Ken "Nako mukang walang kawala si Lr sayo bok ah, paktay tayo diyan."
"Ladies, Gentlemen pumila na kayo at malapit na daw ang newly weds.. Ken pumila na kayo ni Fretz." baling nito sa dalawang kausap niya. "Oh dear ok ka lang ba? ano ba nangyari sayo buti nalang nahawkan kita kanina kung hindi mas malaking award ang nagawa mo!" baling naman nito sa kanya.
"ahm sorry Ms.Joric ah, salamat na dn pala kanina." nginitian niya ito.
"osya ang importante ok ka, huwag mo kong ngitian ng ganyang baka maging lalaki na talaga ko!" pagbibiro nito na ikinatawa naman niya.
Nakatalikod siya nang may tumawag kay Joric na kaharap naman niya, nagulat siya nang bigla nalang mapatili ito at iniwan siya para salubungin ang dumating. Dahil sa kuryosidad ay tiningnan niya ang pupuntahan nito at laking gulat niya sa nakita.
Nananaginip na naman ba ko? Bakit nakikita ko na naman siya? Hindi ba talaga ko lulubayan ng lalaking to? Kinurot niya ang sarili para malaman kung nananaginip lang ba siya. Napa aray siya sa sakit. OH MY! Totoo nga, hindi to panaginip. Nandito nga siya. Totoong nasa harap ko ang lalaking hindi na nawala sa isipan ko. Simula noong araw na makita ko siya hindi na siya natangal pati sa panaginip ko! ANG LALAKING NAKABUNGGO KO!