Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang binata na pumasok muna. Nasa may gate ang kanyang bessy at iniintay silang bumaba. Ito pa ang nagtanggal ng kanyang seatbelt. Sobrang gentleman nito buong magdamag at super naenjoy ni LJ ang date na iyon. bago bumaba ay nag usap pa sila.
"sira ka talaga! may pa purple admirer ka pa dyan. at kelan ka pa naging sweet? wala sa itsura mo we. halatang walang effort, bumabawi ka lang sa pang iiwan mo" pang iinis niya dito na sinabayan ng pagtawa.
"iba ka talaga no? alam mo sa lahat ng pinaghanda ko ng ganito ikaw lang ang nagreklamo. aba nagmamakaawa pa sila para lang idate ko, sayo lang ako nag effort magrereklamo ka pa!" sagot naman nito.
"hala hindi ka rin naman mayabang anu? haha talaga naman kelam mo ba ko pinahalagahan?" kunwaring pagtatampo pa niya sa binata.
"aba aba hindi ka mahalaga? kaya naman pala nasuspend ako noon sa school dahil sa pagtatangol sayo? at muntik pa kong papakin ng bubuyog dahil sa kalokohan mo, tapos lagi pang ako ang pinapagalitan kasi inuubos mo lagi ang baon mong pagkain bago pa man mag lunch?" namula bigla ang muka niya, totoo ang sinabi nito.
"alam mo ang sarap mo pading asarin? wag ka na magtampo bok! sige na? please?" alam ni lj na hindi siya matitiis nito dahil lagi siyang pinagbibigyan nito sa lahat ng bagay. Spoiled siya dito.
"kelan ba kita natiis? osige na nga pero kiss muna!" sabi nito at bigla siyang hinalikan sa pisngi.
Nagulat siya sa ginawa nito kaya agad niya itong nahampas. sinibangutan niya ito at hindi inimik.
"ang kyut talaga ng bok ko. kahit nakasibangot. ayie" kiniliti siya nito.
"yuk bok bakit mo ko hinalikan? may germs na tuloy ako. yuk yuk yuk!" pinunasan pa niya ang pisngi.
"ah ganun? may germs a?" hinarap siya nito at pinisil sa magkabilang pisngi.
Hinampas niya ito ng hinampas kasabay ang kapwa pagtawa. namiss niya ang taong ito, nagtampo siya dito noong umalis ito at sumama sa ama para pumunta sa ibang bansa. Hindi siya sanay na wala ito sa tabi, kaya naman lagi niyang pinagdadasal na sana bumalik na ito. Lalo na nung panahong nasaktan siya ng sobra ni James, kung nandoon ito siguradong hindi siya nito iiwanan. Ngayon ay hindi siya makapaniwalang kasama na ulit niya ito ngayon. Mas makakalimutan na niya ang parteng iyon ng kanyang buhay kasama ang kanyang dalawang matalik na kaibigan si bessy at bok!
Nahinto sila sa pagtawa ng makarinig ng katok. Binuksan niya ang bintana ng kotse at agad na sumilip si Fretz. Nakita niya na nag ngitian ang dalawa, wala man lang siyang nakita sa mukha ng kanyang bessy na pagkagulat kung sino ang ka date niya sa halip ay mukang expected na nito kung sino ang makikita. Naputol ang kanyang pag iisip ng magsalita si Fretz.
"Hi bessy! Hoy adik wala ka bang balak na ibaba ang bessy ko?" nahihiwagaan na talaga si LJ.
"huu panira ka ng moment adik.. by the way thanks ah" kinindatan pa nito ang bessy niya.
"teka nga muna ha. teka lang wa, bessy bakit parang expected mo na na siya ang maghahatid sakin? at bok bakit ka nag papasalamat? ano ba nagyayari dito?"
napangiti ang dalawa at sabay pang nagsalita, "sorry Lj magkasabwat kasi kami!" natatawang saad ng dalawa.
"ah ganun! pinagkaisahan nio na naman ako? ha Fretzie Bercede at ENRIQUE GIL? lagi nio nalang akong pinagkakaisahan hindi padin kayo nagbabago! hmp" at pinaghahampas niya ang mga ito.
inaawat siya ni KEN at sinabing "ikaw din LJ wala ka pa din binagbago! wala pa din akong laban sa 'SUPAH' mo!!!" reklamo nito.
"teka 'SUPAH'?" nagtaka naman si Fretz
"oo 'SUPAH" Super Ultimate Ang Masasakit na Hampas!!"
Nagkatawanan silang tatlo at magkakasabay na pumasok sa bahay. Ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat. simula sa unang regalong natangap niya ay planado na nila fretz at ken. Kaya naman pala walang reklamo ang kanyang bessy na papuntahin siya ay dahil sa kilala nito kung sino ang kanyang "admirer".
DUMAAN ANG MGA ARAW MATAPOS ang date nila ng kanyang ultimate crush. Pagkatapos ng halos isang buwan ng panliligaw ay sinagot na nito si LR. Pero naguguluhan si LR sa nararamdaman.
"bakit ganto? dapat ay masayang masaya ako. ano ba ang nangyayari sayo lr? sinagot ka na niya bakit parang may kulang padin? bakit hindi ka lubos na maligaya?" tanong niya sa sarili.
Dumating si Arron at nakita siyang may malalim na iniisip. Kung hindi pa nito iwinasiwas ang kamay ay hindi pa niya ito mapapansin.
"hey brawhss tulala ka na naman, and now i wont believe kung sasabihin mo na naman na hindi ka lang makapaniwala na kayo na. Look LR i know you well. Alam kong iba ang gumugulo sa isip mo. Now tell me what is it?" akala niya ay napaniwala na niya ito sa palusot niya pero kilala talaga siya nito.
"Arron bakit pakiramdam ko may kulang padin? masaya naman akong kasama siya pero ramdam ko na hindi ako maligaya. bakit lagi ko pa ding naiisip yung babaeng nakabungo ko? bakit hanggang panaginip ayaw niya kong lubayan?" nakita ni arron ang paghihirap niya.
"OMG brawhss hindi kaya hindi mo talaga mahal ang gf mo? baka naman naguluhan ka lang sa sobrang paghanga mo inakala mo na mahal mo na siya. kasi kung mahal mo talaga siya dapat siya lang ang laman ng puso at isip mo diba?" naguguluhang sagot ni Arron. Ang alam kasi ni Arron na ang LOVE pag dumating sayo ang isang tao na mahal mo wala ng iba pang makakapang gulo sa inyo. Wala ka nang hahanapin pa at makokontento ka sa kanya. Pero sa sitwasyon ni LR mukang hindi talaga nito mahal ang nobya.
"Shit! DAMN, mahal ko ang GF ko. mahal ko siya arron. mahal ko siya. mahal ko si COLEEN!" inulit ulit niya pa ito, hindi para ipagdiinan kay arron kungdi ipagdiinan sa sarili niya. ALAM niyang mahal niya si COLEEN, ito ang kanyang first and ULTIMATE CRUSH kaya sigurado siya mahal niya ito. LR's mind: "ALAM? diba dapat nararamdaman mo at hindi iniisip? baka naman tama si arron? damn LR. mahal mo si COLEEN ok?"
"okay brawhss mahal na kung mahal. pero payong kaibigan lang alamin mo totoong nararamdaman mo. yung sinasabi ng PUSO hindi ng isip!" tinapik siya nito sa balikat.
"im happy arron! salamat!" sagot niya
"oo nga pala sa lingo na ang kasal ni Pat at balita ko hindi ka daw na ka attend ng rehearsal? ngayon daw ang huling practice gusto mo pumunta?"
"masama kasi pakiramdam ko. nagsabi na ko sa kanya dont worry aatend naman ako sa wedding." paniniguro niya.
"oh well isama mo daw si Coleen para makilala ng barkada."
"yeah sure, tatawagan ko siya."
(hmm mas malinaw na po itong chap ngayon, ang magkadate po ay si LJ at KEN, LR at COLEEN. si Coleen po si ultimate crush habang si KEN naman si purple admirer. sana magustuhan niyo. nxt chap ay may magaganap na nakakakilig sa wedding ni pat. ABANGAN :) )